Kontra-Krimen Lang Numero si Duterte—Alvarez

 

Speaker PANTALEON ALVAREZ
Speaker PANTALEON ALVAREZ

Ni: Roy Bersales

 

WALANG dudang numero uno ang administrasyong Duterte pagdating sa paglaban sa kriminalidad, ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez.

Pero, pagdating sa ibang problema tulad ng trapik, ekonomiya, at patakaran sa pakikipagrelasyon sa ibang bansa ay wala pa talagang nagaaganap na pababago, diin ni Alvarez sa panayam sa mga reporter.

“[N]gayon, tingnan mo yung drop ng criminality—it has dropped to about 50 percent at least. Malaking bagay po yun,” pagyayabang sa mga nagawa ng kanyang kaibigan at kasama sa PDP-Laban na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), ang crime rate kada buwan ay pumapalo sa 49% mula Hulyo hanggang Setyembre, kumpara sa 55.54% kada buwan bago maging Pangulo si Duterte.

Nangangahulugang bumaba ang krimen sa 11.51 porsyento.

Ang pagbaba ng krimen ay resulta ng seryoso at tapat na kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.

Sabi ni Duterte, 98 porsyente ng buong bansa ay sinipsip na ng operasyon ng iligal na droga.

Ang kampanya ay tatagal pa hanggang sa Hunyo sa susunod na taon.

Ayon sa rekord ng PNP, mahigit 1,300 na ang napatay ng mga pulis na drug dealer na pawang lumaban saa mga alagad ng batas habang isinasagawa ang operasyon laban sa kanila, samantalang halos 22,000 na ang mga naarestong drug dealer.

Mahigit naman sa 700,000 katao ang nagsisukong tulak ng iligal droga at mga gumagamit nito.

Aminado si Alvarez na hindi pa naaayos ni Pangulong Duterte, sapagkat hindi naman kayang mapaangat at mapaunlad ang ekonomiya sa loob lamang ng 100 araw.

Mayroon nang 100 araw si Duterte sa poder ng kapangyarihan. Samantala, tiniyak ng pinuno ng mga kongresista na inaayos ng economic think tank ng pamahalaan ang ekonomiya upang matiyak na ang buong bansa ay makararamdam ng pag-angat at pagdebelop ng ekonomiya.

Hindi naman nagdalawang isip si Alvarez na ipakita ang kanyang pagkadismaya sa pananatili ng malalang problema sa trapik.

“Sad to say, I still don’t sense any improvement as far as traffic is concerned in Metro Manila and maybe Metro Cebu,” ratsada ni Alvarez.

Sa isinagawang pagdinig ng Kamara del Representantes hinggil sa hinihinging badyet ng Department of Transporation (DOTr) para sa 2017, walang naipakitang kongreto at  malinaw na programa si Secretary Arthur Tugade upang maiayos na ang mala-pansit na daloy ng mga sasakyan.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like