Konsehal Yllana, Positibo ba?

 

Ni: Joel O. Amongo

 

NAGPADRUG-TEST na si Quezon City Coun. Andres Jose “Anjo” Yllana Jr., ayon sa kanyang empleyado.

Ngunit, ang empleyadong tumangging magpabanggit ng pangalan, ay ayaw sabihin sa Tapatnews.com kung kailan nagpadrug test si Yllana.

Si Konsehal Hero Bautista, kapatid ni Mayor Herbert Bautista, ay hindi  natakot at hindi umatras kahit alam niyang magpopositibo siya sa nasabing test.

Sa kalauna’y inamin ni Bautista na gumagamit siya ng ipinagbabawal na gamot.

Bagay na ayaw kumpirmahin ni Belmonte sa media kahit alam niyang positibo si Bautista.

Sa halip, itinuro ang reporter na ito sa tanggapan ni Bise-Alkalde Joy Belmonte dahil ito ang nag-inisyatiba ng drug test sa 36 na mambabatas ng lungsod.

Sa mga konsehal na boluntaryong nagpadrug test, si Yllana ay umalis sa Executive Lounge ng Sangguniang Panglunsod.

Ibig sabihin, hindi nagpatest si Yllana.

Kinabukasan, nagkasakit na si Yllana, banggit ng mapagkakatiwalaang source ng Tapatnews.com.

Pinuntahan ng reporter na ito ang tanggapan ni Belmonte upang alamin sa kanya ang istatus ng drug test ni Yllana, ngunit hindi humarap ang bise-alkalde.

Ipinagtanggol ng isang kawani si Belmonte at nagsabing “confidential” ang resulta ng drug test alinsunod sa Republic Act No. 9165, kaya hindi maaaring isapubliko ng bise-alkalde ang resulta ng test.

Hindi maaari umanong ipakita ang resulta ng drug test ng isang tao kung ayaw niyang ipaalam ito sa publiko, banggit ng kawani.

Kamakailan, sina Anne Curtis at James Reid ay pinutakte rin ng ‘tsismis’ na sila ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Nagpadrug test ang dalawa, kung saan ipinaalam nila sa publiko na negatibo ang resulta.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like