Kongreso itinalaga kay Maria

Ang isinagawang pagtatalaga sa Malinis na Puso ni Maria ay alinsunod sa pambansang pagtatalaga na idineklara ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines noong Enero at isinagawa ng mga diyosesis nitong nakaraang Hunyo 8.
Ang isinagawang pagtatalaga sa Malinis na Puso ni Maria ay alinsunod sa pambansang pagtatalaga
na idineklara ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines noong Enero at isinagawa ng mga diyosesis nitong nakaraang Hunyo 8.

QUEZON CITY — Itinalaga ng ilang mambabatas ng Kongreso at mga empleyado nito ang Pambatasan ng Pilipinas sa Quezon City sa Immaculate Heart ni Maria bilang bayad-pinsala diumano dahil sa pagpasa ng Reproductive Health (RH law), ngayon ay kilala bilang Republic Act 10354.

Pinangunahan ni Monsignor Cesar Pagulayan, pinuno ng grupong Marian Movement of Priests, ang pagtatalaga matapos ang isang Banal na Misa. Ani Pagulayan, ito ang “naaangkop na oras” para sa pagtatalaga kay Maria matapos ang sunod-sunod na kalamidad na nangyari sa bansa .

“Ang pag-aalala at pag konsecrate sa tingin ko ay magiging isang magandang tulong para sa mga taong nagtatrabaho sa Kongreso maging ang mga kongresista , upang tumingin kay Maria sa panahon ng paghihirap dulot ng kalamidad,” dagdag ni Pagulayan .

Ayon kay Pagulayan, makakakita ng koneksyon ang mga taong may malalim na pananampalataya sa sunod-sunod na pangyayari at serye ng kalamidad sa bansa.

“Sa tingin ko ang ating pananampalataya talaga ang magpapaintindi sa atin kung paano tayo dapat magpakabanal at kumilos ng naayon ngayon dahil kung hindi mababago ang ating mga puso pagkatapos ng mga nangyari sa Zamboanga, Bohol at Eastern Visayas matigas na talaga ang mga puso natin,” ani Pagulayan.

Namigay naman ang grupo ng mga Miraculous medals sa mga dumalo sa pagtatalaga .

Isinagawa ang pagtatalaga kay Maria noong Nobyembre 27, isang araw bago ang pista ni Saint Catherine Laboure, ang Marian visionary, na siyang sinabihan diumano ni Birheng Maria na gumawa ng milagrosang medalya na ngayon ay isinusuot ng milyong mananampalataya sa ibat-ibang bahagi ng mundo.

Sa napipintong huling desisyon ng Korte Suprema tungkol sa kontrobersyal ng batas, dagsa ang panawagang ideklarang ‘unconstitutional’ o labag sa Konstitusyon ang RH law na pinaniniwalaang naipasa dahil sa paggamit ng pork-barrel bilang ‘insentibo’ sa mga mambabatas na papabor dito.

Diin pa ni Pagulayan, “kailangan natin si Maria upang kanyang hawakan ang ating mga puso upang makita natin na nagbibigay ng mensahe ang Diyos sa mga nangyayari at pinagdadaanan natin sa araw-araw. [PDG]

You May Also Like