Kerwin Espinosa, Nahuli na!

 

ROLANDO "KERWIN" ESPINOSA JR.
ROLANDO “KERWIN” ESPINOSA JR.

Ni: Denz Laguipo

 

WALANG pusakal na hindi nahuhuli, kahit saang sulok ng mundo pa ito nagtatago.

Inanunsyo ngayong Lunes ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa ang pagkakahuli kayRolando “Kerwin” Espinosa Jr., anak ni Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa, na pinaghahanap ng mga PNP dahil sa pagiging drug lord nito.

Si Espinosa ay umalis ng Pilipinas nitong Agosto at nagtago sa ibang bansa.

Ang impormasyon nakalap ng PNP noong una ay sa Malaysia nagtago si Espinosa.

Ngunit sa Abu Dhabi pala kung saan siya nadakip ng pinagsanib na puwersa ng pulisya ng Pilipinas at ng Abu Dhabi, banggit ni Dela Rosa.

Nahuli si Espinosa dakong 2:00 ng madaling araw ngayong Lunes.

Siya ay nahuli dahil sa impormasyong ibinigay ng isang Pilipino na nagtatrabaho sa Abu Dhabi sa pulisya.

Sa ngayon ay hawak na siya ng PNP at inaayos na lamang ang kanyang papeles para maibalik sa Pilipinas, saad ni Dela Rosa.

Ang 24 na taong-gulang na si Espinosa ay sinasabing drug lord na ang operasyon ay Eastern Visayas.

Alam ng tatay niya ang pagiging drug lord nito.

Nabunyag at natigil ang operasyon ni Espinosa nang ‘ikahon’ siya ni Pangulong Rodrigo Duterte mismo.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like