Kerwin Espinosa, Ididiin si De Lima at iba pa

 

NANLILINAW: Hinarap ni Rolan Kerwin Espinosa ang media upang ilinaw na handa na niyang ibunyaag ang lahat ng sangkot sa kanyang sindikato ng iligal na droga sa Eastern Visayas Region. (Denz Laguipo)
NAGLILINAW: Hinarap ni Rolan Kerwin Espinosa ang media upang ilinaw na handa na niyang ibunyaag ang lahat ng sangkot sa kanyang sindikato ng iligal na droga sa Eastern Visayas Region. (Denz Laguipo)

Ni: Denz Laguipo

 

TINIYAK ni Rolan Kerwin Espinosa na ibubunyag niya ang lahat ng pasok sa kanyang sindikato ng iligal na droga.

Kasama sa mga ididiin ni Espinosa ay ang mga politikong protektor at patong sa sindikato.

Ngunit, gagawin niya ito nang may ligal na paggiya ang kanyang abogado.

Binanggit ito ni Espinosa sa press conference na isinagawa sa Camp Crame ngayong Biyernes kasama si Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa ilang oras matapos siyang ibalik sa Pilipinas ilang linggo mula nang madakip siya sa Abu Dhabi.

Inaasahan ni Dela Rosa na pagtitibayin ni Espinosa ang mahigit 200 pulitiko sa pangunguna ni Senadora Leila de Lima, mga heneral mulang PNP kabilang na si dating PNP Officer-In-Charge Deputy Director General Leonardo Espina, at iba pa, kabilang ang tatlong media men na nakasulat sa dalawang libro (pink book at blue book) ng kanyang ama.

Ani Dela Rosa, napakahalaga ng papel ni Espinosa sa pagtutukoy at pagkakahon sa lahat ng pasok sa sindikato ni Espinosa mula sa mga tulak (nasa baba) hanggang sa mga protektor at patong hanggang sa mga kasama sa sindikato (mga nasa itaas).

Sabi ni De Lima, inaasahan niyang ididiin siya ni Espinosa, sapagkat bahagi aniya ito ng “demolition job” ng administrasyong Duterte laban sa kanya.

Si De Lima ay nahaharap sa ilang kasong kriminal na kasalukuyang iniimbestigahan ng Department of Justice (DOJ).

Ang mga kaso ay may kinalaman sa ibinunyag ng ilang bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) na kumita ng milyun-milyon si De Lima mula sa negosyo ng iligal na droga sa loon ng pambansang piitan habang siya pa ang kalihim ng DOJ.

Ang 24-taong-gulang na si Espinosa ay tinukoy ng PNP na pangunahing drug lord ng Eastern Visayas Region.

Ang nasasakupan ng Eastern Visyas ay ang Leyte, Samar, at Biliran.

Idiniin din ni Espinosa sa media na hindi na siya natatakot na isapubliko ang mga pangalan ng mga kasama, protektor, patong, at mga tulak ngayong napatay na ng mga elemento ng Criminal Investigation Group – Region 8 (CIDG – 8) ang kanyang amang si Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr.

Si Mayor Espinosa ay napatay noong pasado alas 4:00 ng umaga noong Nobyembre 5 habang nasa kanyang selda sa Leyte Sub-Provincial Jail.

Apat ang tama ng bala ni Espinosa.

Sabi ng mga pulis, nanlaban ang alkalde, kaya siya itinumba.

Tingin ng ilang senador na nag-iimbestiga sa kaso ay sinadya ang pagpatay kay Espinosa.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like