Katuwang ni Lopez Laban sa mga Abusadong Minahan, Nabistong Pasimuno ng Midnight Deals

 

Ni: Marites Badilla

 

ANG katuwang ni Environment Secretary Regina Lopez sa pag-iimbestiga at pagtukoy sa mga abusadong kumpanya sa pagmimina ay nakasalang sa ‘mainit na tubig’ makaraang mabistong sangkot sa “midnight deal” ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagpapahaba ng operasyon ng mga minahan sa bansa.

Ayon kay Jayvee Garganera, national coordinator ng Alyansa ng Tigil Mina (ARM), nilagdaan ni Usec. Leo Jasareno ang mineral production sharing agreement (MPSA), kilalang lisensya sa pagmimina, ng ilan sa mga mining firm kung kaya napahaba ang kanilang operasyon.

Sabi ni Garganera, pinirmahan ang MPSA ni Jasareno kahit na nag-isyu si dating Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III ng Executive Order No. 79 na nagbabawal sa Mines and Geosciences Bureau (MGB) na pahabain, o dagdagan ang operasyon ng mga kumpanya sa pagmimina habang pinipermis pa ng Kongreso ang hatian ng kita ng mga kumpanya at pamahalaan hunggil sa pagmimina.

Si Jasareno ang direktor ng MGB nang lagdaan niya ang MPSA ilang linggo, o araw bago magtapos ang termino ng nakalipas na administrasyon.

Sa reklamong ito ng ATM, kaya nagpasya si Lopez na imbestigahan ang midnight deal ng MGB at ng mga kumpanya sa pagmimina.

Gustong malaman ni Lopez kung sino ang nag-utos kay Jasareno na pahabain pa ang MPSA ng mga kumpanya sa pagmimina.

Si Jasareno ang kilalang kasangga ni Lopez laban sa mga minahan na lumalabag sa batas-pagmimina at mga pamantayan sa pagmimina.

Kadalasan pa nga ay nasa press conference si Jasareno na ipinatatawag ni Lopez.

Idiniin ni Garganera na ang midnight deals ay inaprubahan ilang araw bago umalis sa Malakanyang si Aquino.

Ang iba nga sa MPSA ay inaprubahan dalawang araw bago dumating ang Hunyo 30 (huling araw ng administrasyong Aquino), banggit ni Garganera.

Ang mga kumpanya sa pagmimina na pinayagang humaba ang MPSA ay ang Sinosteel Phils. H.Y. Mining Corp. sa Dinagat Island, Surigao Integrated Resources Corp. sa Surigao Del Norte, Chromerock Dev. Corp. sa Eastern Samar, at Mt. Labo Exploration and Dev. Corp. sa Camarines Norte.

Ang mga kumpanyang pinayagang magpalawak ng operasyon ay ang Adnama Mining Resources Inc., Holcim Mining, Shangfil Mining and Trading, Kingking Mining, Core Mining Corp., Stagno Mining, Sinophil Mining, Quarry Ventured Phils. Inc., Rapid City and Dev. Corp., Global Mini-Met Resourcs, Parvisgold Inc., Mina Tierra Gracia Inc., Investwell Resources Inc., Surigao Integrated Resources Corp., Shuley Mine Inc., Mt. Labo Exploration, at Westchinamin Corp.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like