Kaspersky Lab mamimigay ng eksklusibong passes sa Grand Prix F1

Naghihintay sa Pinoy na mananalo sa online quiz ng Kaspersky ang pambihira at eksklusibong pagkakataong mapanood nang libre ang Singapore Grand Prix Formula One sa ika-18 ng Setyembre.

Sa limang maswerteng kliyente ng Kaspersky Lab mula sa mga bansa ng Southeast Asia isa rito ay Pilipino, ayon sa isa sa mga huling pahayag nito.

Gaya ng apat na magwawagi galing sa Indonesia, Malaysia, Thailand, at Vietnam, ang suswertehing Pinoy ay mananalo ng Paddock Club passes na may halagang $15,000 para masaksihan ang napakapopular at prestihiyosong karera ng Ferrari.

Ang Paddock Club passes ay magbibigay sa mananalo ng access sa upper terrace ng Pit Building na may sariling bubong at pribadong grandstand na parehong nakaharap sa main street at starting grid kung saan nangyayari ang pinakamaaksyong yugto ng karera, pahayag ng Kaspersky Lab.

Kasama sa papremyo ang return flights at three-night accommodation para sa mananalo at sa kanyang kasama. Tinatayang nasa $19,500 ang katumbas na kabuuang halaga ang mapapanalunang premyo ng bawat mananalo sa nasabing online quiz.

Ang Singapore Grand Prix Formula One ay ang pinakaaasam na F1 night race at kauna-unahang street circuit sa Asya. Ang mga fans ay napakalapit sa aksyon at ang entertainment acts ay maalamat kung saan ay nagiging mabenta ang ticket kaysa ibang F1 race events, ayon sa Kaspersky Lab.

Bukod sa karera, matutunghayan din ang live DJ at music entertainment, sabi ng Russia-headquartered na kumpanya. Ilan sa mga nagtanghal na sa Grand Prix F1 sina Katy Perry, Rihanna, Maroon 5, John Legend, Pharrell Williams at Bon Jovi.

Masisiyahan din ang Paddock Club pass holders sa five-star hotel cuisine na handog ng world-class Chef na si Nobu Matsuhisa, dagdag nito.

Para sa mechanics ng online quiz, maaring sadyain ang website ng Kaspersky Lab http://www.kasperskyracingasia.com/terms/. (William Rodriguez)

Photo courtesy of Kaspersky Motorsport

You May Also Like