Karne ng baboy na may lason mula China, babantayan ng DA

Gumagawa na ng hakbang ang DA upang manatiling ligtas ang food supply ng bansa mula sa kontaminadong karne ng baboy.
Gumagawa na ng hakbang ang DA upang manatiling ligtas ang food supply ng bansa mula sa kontaminadong karne ng baboy.

NANINDIGAN ang pamunuan ng Department of Agriculture (DA) na mahigpit nitong tututukan ang mga borders, at daungan sa bansa upang mapigilan ang tuluyang pagpasok sa Pilipinas ng mga kontaminado at nakalalasong karne ng baboy na ‘di umano’y mula sa bansang China.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, ang mga nasabing karne ng baboy ay maaaring magdulot ng Foot and Mouth Disease sa mga taong makakakain nito kaya naman puspusan na ang isinasagawa nitong screening at pagbabantay.

Inalerto na din ang iba pang concerned government agencies upang mahigpit na bantayan na hindi makapasok sa bansa ang mga nasabing baboy na di umano’y kontaminado ng porcine circovirus.

Tiniyak naman ni Alcala na walang dapat ikabahala ang publiko at walang outbreak na magaganap sa mga inaangkat na karne ng baboy dahil galing naman ang mga ito sa Amerika at Canada.

You May Also Like