‘Karitong Klasrum’, inilunsad ng DepEd, DSWD

DAHIL sa inspirasyon ni CNN Hero 2009 Efren Peñaflorida, inilunsad ng Department of Education (DepEd)  kasama ang Department of Social Work and Development (DSWD) ang K4, isang proyektong ‘kariton klasrum’ na sinimulan ni Peñaflorida ilang taon nang nakalilipas.

Ani kalihim DepEd Armin Luistro, “Galing ang idea na ito kay (Efren Peñaflorida). Meron kaming curriculum para sa pangangailangan ng mga street kids na ilang taon na ring hindi nakakapasok sa eskwelahan… Dadalhin natin yung classroom kung saan sila.

Ang K4 (“Kariton, Klasrum, Klinik, Kantin”) ay may pangunahing layunin na ibigay ang mga panunahing pangangailangan ng mga kabataan tulad ng edukasyon.

Ito rin ay tutugon sa mga pangangailangan ng bawat esyudyante sa pamamagitan ng Modified Conditional Cash Transfer MCCT  na programa ng DSWD. Kasabay nito ang pagbibigay ng 500 pesos para sa bawat pamilya kada buwan para sa serbisyong medikal pati na rin ang anim na buwan na pambayad ng bahay at pagtulong na magkaroon ang mga pamilya ng hanapbuhay.

Ang naturang proyekto ay handang magsimula sa Malabon, Caloocan, Quezon City, and Pasig. [Rica Canon]

You May Also Like