Kapatid ng Aktres, Sinalvage

 

Ni: Marites Badilla

 

 

PINATAY ang kapatid ng aktres na si Maritoni Fernandez sa pamamagitan ng salvaging, o summary execution dahil sa iligal na droga.

Natagpuan ang duguang bangkay ni Ma. Aurora Moynihan, isang British-Filipino, 5 minuto bago mag-alas dos ng umaga sa Temple Drive malapit sa Giraffe Street sa Brgy. Ugong Norte.

Ayon kay PO1 Mark Vitto ng Quezon City Police District (QCPD), sabi ng mga nakasaksi saa krimen, inilapag ang katawan ni Moynihan ng ilang kalalakihang lulan ng silver Toyota Fortuner at bigla silang nagpaputok bago kumirapas patungong White Plains Subd. sa Quezon City.

Inilinaw ni Vitto na nalaman lamang ng QCPD ang krimen nang mayroong tumawag sa kanila at ibinalita ang pangyayari.

Ani Vitto, ilang tama ng baril ang nakita sa dibdib ng biktima dahil sa nakitang mga sugat sa nasabing bahagi ng katawan.

Nakita rin sa ibabaw ng katawan ni Moynihan ang isang cardboard na may mensaheng “Drug pusher ng mga celebrities, kasunod na kayo!”

Bukod sa kartong may kontrobersiyal na mensahe, nakakuha rin ang limang basyo ng kalibre 40.

May nakuha rin ang  mga imbestigador ng apat na plastic sachet na naglalaman daw ng shabu.

A cellular phone was also recovered near the body of the victim.

May nakita rin ang mga pulis na cellular phone na pinaniniwalaang pag-aari ni Moynihan.

Nang tanungin ng media, hindi makapagbigay ng kategorikal na pahayag si Vitto hinggil sa cardboard na nakita sa ibabaw ng katawan ni Moynihan.

Ang malinaw, pinatay si Moynihan sa pamamagitan ng salvaging na may kaugnayan sa nagaganap na kampanya ng administrasyong Duterte laban sa napakatalamak na droga sa bansa.

Sa talaan ng Philippine National Police (PNP), mahigit 1,000 na ang biktima ng salvaging, o summary execution dahil umano sa pagtutulak ng bawal na gamot.

Pinaiimbestigahan na ito ni Director General Ronald dela Rosa, hepe ngg PNP, upang malaman kung sinu-sino ang may pakana ng salvaging.

Ang laman ng carboard ay maaaring abiso sa mga tulak ng bawal na gamot sa showbiz na tumigil na sila sa iligaal nilang trabaho.

Hindi kaila sa mga Pilipino na napakatalamak ng droga, maging sa showbiz.

Ang pagkamatay ng kapatid ni Fernandez ay naganap mahigit isang linggo mula nang hayagang umapila si Robin Padilla kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nitong isapubliko ang kanyang “drug list” sa showbiz.

Napabalitang  sinegundahan ito ni Luis Manzano na nagsabing masisira ang karera ng mga artistang gumagamit ng bawal na gamot kung ibubunyag sa publiko ni Duterte ang kanilang mga pangalan.

Ayon kay Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, acting QCPD director, ipinaimbestigahan na niya ang pagkamatay ni Moynihan upang malaman kung mayroong kinalaman sa iligal na droga ang salvaging na dinanas nito.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like