Kami ay hindi lamang ‘sexual beings’! – kabataan

Ayon sa Simbahang Katolika, ang sagot sa lumalalang isyu ng teenage pregnancies sa bansa ay hindi aborsyon o condom, kung hindi gabay ng magulang. (File photo)
Ayon sa Simbahang Katolika, ang sagot sa lumalalang isyu ng teenage pregnancies sa bansa ay hindi aborsyon o condom, kung hindi gabay ng magulang. (File photo)

“Kami ay hindi lamang mga ‘sexual beings’!” Ito ang matapang na pahayag ng isang lider ng grupong kabataan sa katatapos lamang na Asian Conference of Families bilang sagot sa mga ideyang kontra sa pamilya at buhay gaya na lamang ng Reproductive Health Law na sinasabing tugon sa lumalalang teenage pregnancy sa bansa.

“Dapat natin siguraduhing may edukasyon, kalusugan, kabuhayan at pagpapahalaga sa pamilya,“ pahayag ni Renelyn Tan, regional director ng Asia Pacific of World Youth Alliance (WYA).

Dagdag pa ni Tan na dapat rin naka pokus ang mga kabataan sa, “mga bagay na mahalaga.”

Naglalayon ang kontrobersyal na RH law na magpakalat ng pildoras at condom maging sa kabataan upang diumao’y mabawasan ang maagang pagbubuntis ng kabataan taliwas sa turo ng Iglesya Katolika.

Ayon naman sa mga nauna nang pahayag ng Simbahan, paggabay sa kabataan ang solusyon sa tumataas na istatistika ng teen pregnancy.

Ibinahagi din ni Tan kung paano ibinabahagi ng kanyang grupo sa ibang kabataan ang tungkol sa dignidad ng buhay ng tao at kung paano nagsimula ang WYA. Aniya, nagmula ang kanyang grupo sa isang ‘reaksyon ng konsensya’ sa naging pamamahagi ng ilang kabataan sa United Nations Conference on Population and Development in Manhattan, New York City na nagtutulak ng mga adhikaing kontra sa moralidad at buhay.

Naniniwala ang nasabing mga kabataan na ang kailangan ng mga kabataan sa buong mundo ay tatlong bagay: aborsyon bilang pandaigdigang karapatan, pagtatanggal ng karapatan ng mga magulang at karapatang sekswal ng kabataan mula sa edad na sampu.
Dagdag ni Tan, “Ang aming grupo ay boses ng mga kabataan sa mga lugar na tila wala nang pagasa, kung saan ang pamilya ay nasisira, at kung saan ang mga bata ay pwersahang pinagtatalik sa kanilang mga nobyo sa pagaakalang ito ay parte ng pagibig.
Ang World Youth Alliance ay nakabase sa ibat-ibang panig ng mundo mula Asia-Pacific, Latin America, Africa, the Middle East, Europe, at North America. (RA)

You May Also Like