Kamara, nananawagan kay VP na unahin ang Sabah

Ilan naring kongresista ang nagpahayag na kailanganan nang aksyonan ang isyu ng Sabah sa lalong madaling panahon.
Ilan naring kongresista ang nagpahayag na kailanganan nang aksyonan ang isyu ng Sabah sa lalong madaling panahon.

KINAKALAMPAG na ng ilang miyembro ng Kamara si Vice-President Jejomar Binay na unahin ang isyu ng Sabah.

Mungkahi ni House Assistant Minority Leader at Leyte Rep. Martin Romualdez kay Binay na sa halip aniyang tutukan ang kaso ng isang Pinoy na nahaharap sa pagbitay dahil sa pagpatay sa isang Sudanese national sa Saudi Arabia, mas kailangang bigyan ng atensyon ang isyu ng Sabah

Paliwanag ni Romualdez na kaysa pag-aksayahan ng panahon ang pagkalap ng blood money para kay Joselito Zapanta, 32 na tubong Bacolor, Pampanga ay mas marapat aniyang iligtas ang libu-libong Pilipino na nasa Sabah.

Aniya, nahatulan na ang OFW ng parusang kamatayan ng pamahalaan ng Saudi Arabia, samantalang ang mga Filipino na nasa Sabah ay walang kinalaman sa kaguluhan sa pagitan ng Malaysia at grupo ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III.

Mahalaga aniya na magtulungan at gawin ng gobyerno ang lahat upang mailigtas ang mga Pinoy na nasa Sabah.

You May Also Like