Kamara Gustong Palalain ang Sugal sa Pilipinas

Quezon Rep. Danilo Suarez: Palawigin ang small tow lottery (STL) sa bansa.
Quezon Rep. Danilo Suarez: Palawigin ang small tow lottery (STL) sa bansa.

Ni: Marites Badilla

 

PAGPAPALAWAK ng sugal sa bansa ay gagawing ligal ng Kamara del Representantes.

Mismong si minority leader pa ng Kamara ang may pakana ng pagpapalawak ng sugal.

Idiniin ni Quezon Third District Rep. Danilo Suarez sa pagdinig sa pagpapalaki

 Arsobispo Oscar Cruz:  Nakasisira ang small town lottery (STL) sa moralidad ng mga Pilipino at naghihikayat ng kultura ng katamaran sa bansa.
Arsobispo Oscar Cruz: Nakasisira ang small town lottery (STL) sa moralidad ng mga Pilipino at naghihikayat ng kultura ng katamaran sa bansa.

ng badyet ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na kailangan nang maging buong bansa ang operasyon ng small town lottery (STL) upang madagdagan ang kita ng pamahalaan.

Ani Suarez, mas mainam nang pagkakitaan ng pamahalaan ang sugal dahil hindi naman ito  matanggal-tanggal.

Ang sugal ay bahagi ng kultura ng bansa, patuloy ng beteranong mambabatas.

Tahasan namang tumutol si Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz sa pagpapalawig ng STL, sapagkat patuloy nitong pinabababa ang moralidad ng mga Pilipino at naghahasik din ang STL ng kultura ng pagiging tamad.

Matagal nang tinutuligsa ni Cruz ang lahat ng klase ng sugal sa bansa, kabilang na ang jueteng na hanggang ngayon ay talamak pa rin kahit mayroong lotto at STL na parehong pinatatakbo ng PCSO.

Nabatid ng Tapat News na isa ang Quezon sa mga lalawigang talamak ang jueteng hanggang ngayon.

Ayon kay Cruz, tagapagtatag ng Krusada ng Bayan Laban sa Jueteng (KBLJ), maraming malinis at disenteng paraan upang mapalaki ang pondo ng pamahalaan.

Dapat pagtuunan  ng pansin ng mga mababatas ang pagpaparami ng mga pagkakakitaan ng pamahalaan kung saan dapat katuwang nito ang mamamayan, dagdag ng arsobispo.

“There are many other means of livelihood. Because if gambling will be considered a job, why can’t we make prostitution one as well? Why can’t we make sleazy shows, night club [shows]a job? We should give decent jobs, not jobs that destroy our morality,” paliwanag ni Cruz sa Radio Veritas.

Nagsimula ang STL noong 2005 sa ilang bahagi ng Luzon.

Kumita ng P3 Bilyon ang unang taon nito at nakapagbigay ng trabaho sa 62,500 katao nang mawalan sila ng trabaho dahil sa paggiba umano sa operasyon ng jueteng sa ilang bahagi ng Luzon.

Ngunit, hindi tuluyang nawasak ang jueteng sa Luzon at maging sa National Capital Region.

Panawagan ni Cruz sa mga kongresista na huwag nang himukin ang PCSO na palawakin ang operasyon ng STL sa buong bansa, dahil hindi magandang hakbang ito sa pagpapalaki ng badyet ng pamahalaan.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like