Kamag-anak ni Peter Co, Pinagkakitaan ni De Lima

 

Ni: Roy Bersales

 

SA halip na ipakulong at tuluyan ang mag-asawa at mga kasamahan nito dahil sila ay nadakip ng mga pulis sa buy-bust operation.

Ngunit, ang mag-asawa at  kanilang mga kasamahan ay pinakawalan ng mga pulis, sabi ni Hans Anton Tan, sa ikawalang araw ng pagdinig sa House Committee on Justice ngayong Martes hinggil sa talamak na bentahan ng shabu sa New Bilibid Prison (NBP).

Si Tan ay tumestigo para kay Peter Co, (isa sa mga nakakulong sa NBP dahil sa droga).

Si Co, Wu Tuan (tunay na pangalan),  ang tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte na numero unong drug kingpin sa  Luzon.

Pumapangalawa sa kanya si Herbert Colanggo, banggit ni Duterte.

Ang pinakawalang mag-asawa ay kamag-anak ni Co, banggit ni Tan.

Iyong babae ay pamangkin ni Co.

Sabi ni Tan, pinakawalan ang dalawa, sapagkat ‘binasbasan’ ni dating Justice Sec. Leila de Lima kapalit ang kabuuang P5 Milyon na ipinadaan sa kanyang dating “close-aide” na kamag-anak pa umano.

Aniya, kung hindi magbibigay ng P5 Milyon ay sasampahan ng kaso ang mag-asawa at mga kasamahan nito sa korte.

Ayon kay Tan, ang ginawa niya ay tinawagan niya ang isang “Jose Adrian Dera,” kung saan nagkita sila noong Oktubre, 2015.

Nang magkita silang dalawa, nagpakilala si Dera kay Tan na kasapi ng National Capital Region Police Office – Regional Anti-Illegal Drug (NCRPO – RAID).

Ang NCRPO ay pinamumunuan ni Director Joel Pagdilao.

Sa Pagdilao ay isa sa mga heneral sa Philippine National Police (PNP) na idiniin ni Duterte bilang protektor ng sindikato ng droga.

Iniimbestigahan na ng National Police Commission (Napolcom) ang kaso ni Pagdilao.

Pero, sabi ni Tan sa knyang affidavit, dating “close-in security” ni De Lima si Dera.

Pamangkin din daw ni De Lima sa Dera.

Ayon kay Tan, kinahapunan matapos silang magkita ni Dera ay tumawag ito at nagsabing payag na ang kanyang ‘grupo’  sa P1 Milyon.

Hindi inilinaw kung sino ang grupong ito.

Ayon pa rin sa kanya, sinabihan siya ni Co na kunin ni Dera ang pera sa Solaire, isa sa mga kilalang casino sa Metro Manila at ibigay ang nasabing pera sa grupo ni Dera.

Nakuha ni Dera ang pera, banggit ni Tan.

Ngunit, inilinaw ni Tan sa parehong pagdinig na sinabi ni Co sa kanya na P5 Milyon ang ibinigay niyang pera.

Idiniin ni Tan na mayroong ebidensya si Co na nakuha ni dera ang P1 Milyon at iba pa sa bang transaksyon.

 

 

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like