Kakaibang Halloween party, iminumungkahi ng mga homeschooling moms

QUEZON CITY – IMBES na mag costume bampira at aswang, iminumungkahi ng isang grupo ng mga homeschooling na maybahay ang isang ‘All Saint’s Day’ party na gaganapin sa Nobyembre 7 sa Medela House, kung saan ang pangunahing tema ng selebrasyon ay ang mga santo.

Dumalo ang magkapatid bilang si Santa Monica at si San Miguel Arkanghel.
Dumalo ang magkapatid bilang si Santa Monica at si San Miguel Arkanghel.

“Sa pamamagitan ng pag-udyok sa mga bata na mag damit santo, umaasa tayo na binibigyan natin sila ng inspirasyon na maging santo din,” paliwanag ni Tina Santiago – Rodriguez, isang homeschooler na unang nagkaroon ng ideya tungkol sa alternatibong Halloween party tatlong taon na ang nakalilipas.

Dagdag pa ni Rodriguez, kailangang ibalik ang pagiging banal ng tradisyon ng ‘Halloween’ o bisperas ng ‘Araw ng mga Santo’, kung saan ang orihinal na ibig sabihin ng ‘Halloween’ ay ‘banal na gabi’.

Hinihikayat ni Rodriguez ang iba pang mga magulang na magdaos ng sariling ‘All Saints’ Day’ party sa kani-kanilang mga lugar.
Para sa mga ideya, maaaring bisitahin ang mga websites tulad ng CatholicIcing.com at CatholicInspired.com

Para naman sa magulang na interesadong isali ang kanilang mga anak sa nasabing ‘All Saints’ Day’ party, maaring makipag-ugnayan kay Rodriguez sa kanyang blog, http://trulyrichmom.com/contact-me/, sa pamamagitan ng email tina@trulyrichmom.com o sa kanyang Facebook page sa https://www.facebook.com/trulyrichteachermamatina [NED]

You May Also Like