Kaibigan at “Kapitbahay”

Noong ika-14 ng Abril ay binisita ako ng isang kaibigan na nakilala ko lamang sa isang backpackers inn kung saan ako nanuluyan noong ako ay pumunta sa Kuala Lumpur, Malaysia para magsaliksik. Siya ay si Yuliyantonadirmohammad na taga-Sulawesi na matatagpuan sa bansang Indonesia. Ang kanyang palayaw ay Anto. Noong araw na iyon ay may klase ako sa Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila at aking itinuturo ay ukol sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya. Tumpak! Nakaisip ako kaagad ng isang aktibidad na pinangalanan kong “Indonesia from an Indonesian.”

Sinabihan ko si Anto na isasabak ko siya sa aking mga estudyante – isang simpleng Q&A – na noong una ay hindi siya pumayag dahil sa kanyang kakulangan sa pagsasalita ng wikang Ingles.

Sinabihan ko si Anto na ako ang bahala sa kanya at tutulungan ko siya. Ang daming natutunan ng aking mga estudyante na hindi lamang mababasa mula sa libro o sa Internet. Nasa harapan na nila ang isang buhay na ispesimen na mismong may taglay ng isang bahagi ng kultura ng Indonesia. Matapos ang talakayan ay pare-pareho ang naging replekson naming lahat – na ang dami-dami nating pagkakatulad sa mga taga-Indonesia. Hindi lamang natin sila kapitbahay batay sa lokasyon ngunit batay din sa kultura.

***
Marami na naman ang tutungtong (o nakatungtong na) sa entablado para makuha ang kanilang mga diploma. Sa mga magsisipagtapos (o nagsipagtapos na), nawa ay gamitin ninyo ang inyong mga natutunan at ang inyong mga karanasan hindi lang sa pagpapaunlad ng inyong mga sarili ngunit para rin dapat sa pagpapaunlad ng ating bayan. Pasalamatan ninyo ang ating Panginoong Diyos, ang inyong mga magulang, ang inyong mga guro o mga propesor at lahat ng mga taong nakatulong sa inyo.

***
Panahon na ng tag-init. Ayon sa website ng kalusugan.ph, ang ilang mga usong sakit at kondisyon tuwing buwan ng Abril hanggang Mayo ay pagkakaroon ng bungang-araw, sunburn o pagkasunog ng balat, heatstroke, dehydration at fungi sa balat. Paalala lamang po mga kababayan!

Prof. Michael Trias – Ang

You May Also Like