Kagawad Tinadtad ng Bala, Patay

 

Ni: Roy Bersales

 

BIGLANG napalitan ng katahimikan at takot ang umaapaw na kasiyahan sa tapat ng ng bahay ng barangay kagawad matapos pagbabarilin ang nasabing opisyal ng barangay sa bayan ng Magsingal nitong Linggo.

Ang 41-taong-gulang na si Darwin Tiri ay duguang bumagsak mula sa kanyang inuupuan dahil sa dami ng tama ng bala sa katawan.

Patay agad si Tiri, ayon sa pulisya, dahil tinadtad ng bala ang kanyang katawan.

Ang insidente ay naganap sa tapat mismo ng kanyang bahay sa Brgy. San Julian.

Sabi ng mga naka-saksi sa krimen, tuwang-tuwa si Tiri habang umiinom ng alak nang biglang pagbabarilin siya ng mga suspek.

Si Tiri ay nasa “drug list” Philippine National Police (PNP) at itinuturing siyang “high-value target.”

Ngunit, tiniyak ng mga pulis na hindi sila ang tumapos kay Tiri.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay pinagbabaril ng lalaking nakasakay sa motorsiklo.

Hindi nakilala ang mga suspek dahil nakatakip ang kanilang mga mukha ng bonnet.

Nakakuha ng mga basyo ng kalibre 45 ang mga rumespondeng pulis.

Nangangahulugan lamang na determinadong patayin si Tiri ng mga bumira sa kanya.

Isa sa mga tinitingnang anggulo ng mga pulis ay ‘pinatahimik’ si Tiri ng kanyang kapitalista, o kaya sindikato upang huwag na siyang ‘maka-kanta’ pa sakaling madakip siya ng mga awtoridad.

Si Tiri ay ika-6 na sa mga namatay sa Ilocos Sur simula noong Biyernes na may kinalaman sa iligal na droga.

Sa rekord ng Philippine National Police (PNP), nasa 1,490 na ang kabuuang bilang ng mga pinatay ng mga hindi kilalang mamamatay-tao simula noong Hulyo 1.

Sinimulan na ng PNP ang imbestigasyon tungkol dito, alinsunod sa utos ni Director General Ronald dela Rosa, hepe ng PNP.

Ang mga namatay namang drug dealer dahil lumaban sa mga pulis habang isinasagawa ang buy-bust operations ay umabot sa 1,487 hanggang nitong Linggo.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like