K to 12, isinabatas na

k12ISINABATAS na ni PNoy ang K to 12, nitong nakaraang Mayo 15, na nagpapakilala sa karagdagang dalawang taon sa paaralang sekondarya.

Kasalukuyang naghahanda ang Department of Education sa pagpapatupad ng K to 12 law sa taong 2016. Ipinakilala ang curriculum noong school year 2012-2013 sa una at ika-anim na baitang, sunod namang ipakikilala ang curriculum sa ikalawa at ikawalong baitang ngayong Hunyo.

Ang karagdagang dalawang taon sa sekondarya ay nakalaan upang mas mahasa ang mga kakayahan at talento ng mga mag-aaral para sa kanilang mapipiling karera pagdating sa sining, sports, technical – vocational, entrepreneurship o tertiary education.

Ginawa ring mandatory ang kindergarten para sa mga batang edad limang taong gulang at  inaasahang magbibigay sa mga magtatapos ng mas mahusay na oportunidad para makapaghanap-buhay.

You May Also Like