Jinggoy bigong makadalo sa panunumpa ng anak

Hindi makakadalo sa panunumpa ng kanyang anak bilang bise-alkalde ng San Juan City si Sen Jinggoy Estrada makaraang ibasura ng Sandiganbayan ang kahilingan ng senador na pansalamantalang makalabas ng kulungan.
 
Idiniin ng Sandiganbayan na hindi nakumbinsi ni Estrada ang mga mahistrado na mayroong “urgency” ang kanyang kahilingang makadalo sa panunumpa ng kanyang anak na si Janella Estrada bilang bise-alkalde ng San Juan City.
 
Kumbinsido ang mga mahistrado na mababaw ang dahilan ni Estrada upang payagan siyang makalabas nang pansamantala sa kulungan.
 
Si Janella ay nanalong bise-alkalde ng San Juan City nitong nakalipas na eleksiyon.
 
Ito ay unang termino ni Janella.
 
Ang nanalong alkalde ay si Guia Gomez, ikatlo at huling termino na niya ito.
 
Si Sen. Estrada ay may kasong korapsiyon na may kaugnayan sa p10 bilyong pork barrel o Prority Development Allocation Fund (PDAF) na ginamit sa mga huwad na non-governmental-organizations ng negosyanteng si Jante Lim Napoles. (Joel Amongo)

 

Propellerads

You May Also Like