JICA, Suportado ang Socioconomic Agenda ni Duterte

 

Ni: Roy Bersales

 

INANUNSIYO ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na solidong sinusuportahan nito ang 10-puntos na socioeconomic agenda ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, dahil kumbinsido ang dayuhang ahensiya na makabubuti ang programa ng Pangulo sa bansa.

Opisyal na ipinarating ni JICA President Shinichi Kitaoka angĀ  posisyon ng ahensiya ng Japan nang magkortesiya ito kay Finance Secretary Carlos Dominguez III kamakailan.

Ang nilalaman ng socioeconomic agenda ni Duterte ay nakatuon sa pagbabawas sa kahirapan, pagtitiyak na ang bansa ay mapayapa at masunurin sa batas ang mamamayan nito, pagpupuprsige at pagkakamit ng pangmatagalang pangkapayapaan lalo na sa Mindanao, pagmimintina ng maayos at malusog na relasyon sa mga karatig bansa sa Asya, at pagresolba sa talamak na trapik.

Sa kabilang banda, inilinaw ni Dominguez kay Kitaoka na tatapusin ng adminitrasyon Duterte ang isyu hinggil sa value-added tax (VAT) na ipapataw sa lahat ng proyekto ng JICA sa bansa.

Ayon kay Finance Usec. Maria Edita Tan, nagkasundo ang dalawang opisyal na magkakaroon ng mahigpit na pagtutulungan ang Pilipinas at Japan upang maisakatuparan nangĀ  maayos, mabilis, at mahusay ang mga proyekto ng JICA sa Pilipinas.

Ang Japan ay matagal nang sumusuporta at tumutulong sa bansa, sa pamamagitan ng JICA.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like