Italyanong nagligtas ng 100 katao, gagawing beato

CARPI, Italy — Si Odoardo Focherini ay gagawaran bilang beato sa Hunyo 15 dahil sa kanyang pananampalataya at pagkalinga sa mga nangangailangan, kasama ang higit kumulang 100 na Hudyong kanyang tinulungang maligtas mula sa mga Nazi.

Sinimulan niyang tulungan ang mga Hudyo makaligtas sa pag-uusig noong 1942, ngunit nag-umpisa ang kanyang mas malalim na pagpapakasakit para sa kanila noong Setyembre 8, 1943 nang simulang niyang bigyan ng mga pekeng ID card ang mga Hudyo upang makalampas ng Italian-Swiss border.

Ayon kay Bishop Francesco Cavina of Carpi, malinaw ang pagsabuhay ng pananampalataya ni Focherini, maging sa kanyang buhay espiritwal at buhay pamilya. “He is a complete man because work, family, apostolate in the Church have been his path to beatification… He let himself be transformed by Jesus Christ until he, like him, died,” sabi ng obispo.

Si Focherini, isang peryodista at ama ng 7, ay namatay sa isang Nazi concentration camp sa Hersbruck, Germany, noong 1944, dahil sa impeksyong nagmula sa sugat sa kanyang binti.

You May Also Like