Isang dugo, isang lahi

Nung March 13 nagkaroon ako ng pagkakataon na madalaw si Sulu Sultan Kiram III sa kanyang bahay sa Taguig sa tulong ni Sister Arnold Maria Noel, SSpS na isang award-winning peace advocate.

Kinabahan ako nung una kasi ang pagkakaintindi ko one-on-one interview, kaya naman naghatak ako ng isang kaibigan, si Jack ng Radyo Veritas.

Pagdating namin ang daming tao, as in! Mukhang malabo na harapin kami ni Sultan kaya nauna nang umalis si kasamang Jack pero naghintay pa rin ako ng ilang oras. (Nahiya naman ako sa dinamay ko, mabuti na lang at maunawain, sabi nya ‘it happens’..Salamat gumaan ang pakiramdam ko.)

Nakausap ko nung una ang spokesperson ng Sulu Sultanate na si Abraham Idjirani. Nagpasalamat sya sa lahat  ng taong sumuporta lalo na sa mga obispo sa Mindanao na nanawagang iligtas ang mga apektadong Pilipino lalo na ang mga sibilyan.
Mahaba rin ang aming naging kamustahan pero nagtapos iyon sa simpleng ‘Salamat Anak.’

Huwaw! First time na may Muslim na tumawag sa akin ng ‘anak.’ Naramdaman ko ang sincerity na kahit anong relihiyon mo pala ay pwede kayong magkagaanan ng loob. Nung simula kasi nangilag ako.

Paalis na ako nang biglang may pinagkakaguluhan sa loob ng bahay kasama ni Princess Jaycel, isang madre! Nasabi ko na lang sa isip ‘hulog ka ng langit, Sister.’ Bakit? Kasi papasok na sya sa kuwarto ni Sultan nang bigla akong magmano, nagpakilala at sumabay sa pagpasok.hehe (one point)…

Ang siste, nakaharap ko mismo si Sultan.  Nakita ko sa kanyang mukha ang lungkot at ang kanyang katawan ay hapong-hapo, iba pag nakikita sa TV–ibang iba.

Sa maliit na silid ni Sultan ay  nag-usap sila ni Sister Arnold. Ilan sa mga binitiwan nyang salita ay ‘Please stop fighting, let’s sit in a square table and have a dialogue.’

Sabi ni Sultan sa mababang boses, ‘We were with you Sister 100 percent with all concern’.

Nung tinitignan ko silang dalawa, napapaisip ako… Pwede naman palang maging isa ang dalawang magkaiba ang paniniwala at pag gusto, may paraan!

Teka, parang may absent sa pag-uusap nina Sister at Sultan.ah.hehe Ano na nga ba ang ginagawa ng gobyerno natin tungkol sa Sabah? Any update?…hmmm sana nga matapos na ang sigalot; ang dami nang nadamay at sana naman makipagtulungan at maging bukas ang isipan ng Malaysia hinggil sa pag-uusap. Hindi lang naman mga Pilipino ang apektado kundi mga kababayan rin nila.

Ang ending?..Isa lang ang napatunayan ko, hindi hadlang ang relihiyon para magkaisa tayo dahil kahit iba-iba ang paniniwala natin, meron pa rin tayong pagkakatulad at iyan ang pagkakaroon ng Isang Dugo at Isang Lahi ng mga Pilipino. (re4teraker@hotmail.com)

You May Also Like