Isama sa adyenda ng Kongreso

Nabuo ang koalisyon sa Senado at Kamara del Representantes na tinawag na ‘super majority.’

Ang batayan ng pagkakaisa ng napakalaking bilang ng mga mayorya ng mga mambabatas ay ang solidong suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang adyenda sa susunod na anim na taon.

Ang adyenda ng bagong administasyon, ayon kay Kongtresista Pantaleon Alvarez, ay ang pagkakaroon ng death penalty law, federalismo, martial law sa mga lugae sa Mindanao na sakop at kontrolado ng mga teroristang grupo, at emergency power ni Duterte upang resolbahan ang matinding suliranin sa trapiko.

Ang wala ay tungkol sa mga karagdagang batas upang lumakas ang intrumento ng pamahalaan laban sa kontraktuwalisasyon, higit na pagpapabuti ng buhay ng mga manggagawaat magsasaka, pagwasak sa kahirapan at kagutuman, pagtaas ng sahod ng mga manggagawa at mga kawani ng pamahalaan.

Mas mainam nga kung kaslai pa ang pagwasak sa mga Regional Wage and Productivity Boards (RWPBs) sa ibang ibang rehiyon sa bansa dahil wala namang saysay ito. Halimbawa, nitong nakalipas na buwan, ang RWPB sa Metro Manila ay P10 umento lamang ang inaprubahan nito, gayong alam na alam nilang higit P700.00 kada araw ang kulang sa sahod ng mga manggagagwa sa Metro Manila araw-araw upang mabuhay ng desente.

Iyang higit P700 dagdag-sahod ay sa Metro Manila pa lamang.

Ibig sabihin, higit na malaking halaga ang kailangan sa mga lalawigan upang magkaroon ng disenteng buhay.

Iyan ang problema natin ngayon sa ating mga mambabatas. Naturingang bahagi ng “change is coming” na adyenda ni Pangulong Rodrigo Duterte, ngunit ang adyenda ay walang tungkol sa pagbabago.

Kung talagang pagbabago ang hangad ni Duterte at ng kanyang mga kapanalig sa PDP-Labsan, kasama na ang mga bago sali, ay bigyan ng kaukulang pansin ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga manggagawa, magsasaka, mahihirap, at nagugutom.
Tutal, sila ang higit na mahalaga sa paglilingkod sa bayan ng mga pulitiko at hindi ang puwestong nakamit nila sa pamamagitan ng eleksiyon.

You May Also Like