Isa ka bang annoying MRT/LRT passenger?

Alamin kung pano maging mabuting pasahero

MATINDING pagpapasensiya at tiyaga. Madalas ito ang kailangan pagsakay sa MRT o LRT, lalo na tuwing rush hour na kung kailan halos ‘di mo na kailangan ng mga binti para makapasok sa tren — itutulak ka na papasok ng ibang pasahero.

Photo from My Manila (http://manila-photos.blogspot.com)
Photo from My Manila (http://manila-photos.blogspot.com)

Maliban sa pasensiya — nang wala kang mapandilatan dahil sa inis — ang kagandahang-loob ay isa ring ugaling mabuting pagsanayan (para ikaw naman ang hindi pandilatan ng iba sa inis). Tutal, hindi lang sa loob ng simbahan o tuwing Linggo lang ang pagiging mabuting Kristiyano — isinasabuhay natin ito kung kaya’t ang mabuting ugali na turo ng ating Simbahan ay nakikita sa pang-araw-araw na gawain natin. Kasama na dito ang pakikitungo natin sa kapwa saan man tayo naroroon!

Narito ang ilang mga tips para sa pagiging mabuting pasahero:

* Huwag manulak.
Kahit late ka na sa paroroonan mo, hindi ito nagbibigay sa iyo ng karapatang mag-asal maton. Dapat inisip mo na ang oras at dami ng tao sa istasyon noong nasa bahay o opisina ka pa lang. Walang kasalanan ang pasahero sa harap mo sa pagiging late mo, kaya’t huwag mo na siyang itulak upang madaliin.

* Kung may dala kang basang payong, ilagay ito sa plastik o sa loob ng bag mo.
Ito ay para hindi tumulo ang tubig sa paa ng ibang pasahero at hindi rin babad ang mga pantalon o palda nila dahil sa payong mo.
* Kung hindi naman importante ang mensahe, iwasang gumamit ng cellphone kapag nasa tren.
Para sungkitin ang cellphone mo at hawakan ito sa iyong tainga (o kaya mag-text), kailangan mo ng malaking space at elbow room. Malamang may masisiko ka kapag gawin mo ito. Baka may malagutan pa ng hininga kapag ginawa mo ito sa pagkasikip-sikip na tren. Isa pa, bahagi ng good manners ang nakikipag-usap sa telepono ng katamtaman lang ang boses, nang hindi naririnig ng paligid mo ang usapan. Mahirap yata ito kapag ginawa mo sa isang tren na puno ng tao dahil malamang marami rin sa kanila ang nagkukwentuhan, kaya medyo kailangan mong lakasan ang boses mo sa telepono.

* Kung mapalad ka’t nakaupo sa tren, kailangang handa kang ibigay ito sa matatanda, nagdadalantao, o may kapansanang walang upuan at nakatayo malapit sa iyo.
Maawa ka naman — kahit ‘di malalaman ng iba kung nagkukunwaring tulog ka lang, alam ng Diyos ang lahat.
Para sa iba pang articles ni Nicole Bautista, bisitahin ang http://quietbutnotstill.blogspot.com

You May Also Like

  • Awesome blog you have here but I was wondering if you knew of any community forums that cover the same topics discussed in this article? I’d really love to be a part of online community where I can get comments from other knowledgeable people that share the same interest. If you have any suggestions, please let me know. Thanks a lot!