Isa Droga Lang, Sarado na ang mga Bahay-Aliwan sa Taguig!—Cayetano

 

MAYOR MA. LAARNI CAYETANO: Bawal ang iligal na droga sa mga bahay-aliwan sa Bonifacio Global City (BGC).
MAYOR MA. LAARNI CAYETANO: Bawal ang iligal na droga sa mga bahay-aliwan sa Bonifacio Global City (BGC).

Ni: Marites Badilla

 

TAHASANG nagbabala si Mayor Ma. Laarni Cayetano na ipapasara niya ang mga bahay-aliwan sa Taguig City kapag napatunayang gumagamit ng mga iligal na droga ang mga customer nito.

Bukod sa pagpapasara ng kanilang negosyo, kakasuhan din ang mga may-ari ng mga bahay-aliwan, diin ni Cayetano.

Ang desisyon ng alkalde ay nakapaloob sa inilabas niyang “one-strike-policy” kamakailan.

Ang nasabing polosiya ay may kaugnayan sa kampanya ng administrasyong Duterte laban sa ipinagbabawal na gamot.

Ang Bonifacio Global City na matatagpuan sa Taguig City ay isa sa mga lugar kung saan makikita ang maraming bahay-aliwang pinupuntahan at dinadayo ng mga anak ng mayayaman upang magsaya hanggang madaling araw.

Ang masama, ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa, may nakalap ang PNP na impormasyon na talamak sa mga ‘mamahaling’ bahay-aliwan ang tinatawag na “drug party” tulad ng ecstasy.

Ang ecstasy ay iligal na droga na kapag natikman ng tao ay tila ihahatid siya sa napakasayang mundo na naghahanap ng ka-sex.

Sa mga nakaraang taon, mayroon nang linusob ang mga elemento ng National Bureau of Investigation (NBI) na bahay-aliwan dahil sa drug party.

Sabi ni Cayetano, walang kompromiso, o patawad ang one-strike-policy.

“Any establishment used as venue for illegal drug activities   will be automatically shut down. We certainly welcome investors [because] we need them because their taxes support the needs of our constituents.  But their businesses must not introduce, encourage, or tolerate drug use,” paliwanag ng alkalde.

Aniya, ang negosyo pumapayag sa mga customer nito na gumamit ng ipinagbabawal na gamot ay hindi karapat-dapat na manatili sa Taguig kahit na napakalaking buwis ang ibinabayad nito sa lokal na pamahalaan.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like