Ipaaaresto ng Kamara si De Lima—Rep. Roque

Ni: Boy Celario

IDINIIN ng isang baguhang kongresista na maaaring ipaaresto ng Kamara del Representantes si Senadora Leila de Lima kung hindi siya dadalo sa imbestigasyong ipapatawag ng Mababang Kapulungan ng Kongreso laban sa kanya.

Sa forum na isinagawa sa Quezon City ngayong Miyerkules, idiniin ni Kabayan party-list Rep. Harry Roque na puwedeng arestuhin si De Lima at kasuhan ng “contempt of court,” kapag binalewala niya ang imbestigasyong isasagawa sa kanya ng Kamara.

Ito ang pananaw ni Roque nang inguso ng senadora nitong Martes na hindi siya dadalo sa imbestigasyon, sapagkat siya nga raw itong nagbunyag ng iligalidad sa New Bilbid Prison (NBP).

Si Roque, na kilalang mahusay na abogado at propesor ng abogasya sa College of Law sa Unibersidad ng Pilipinas bago siya maging kongresista, ay binanatan ang nasabing argumento ni De Lima.

Hindi ang pagiging senadora ni De Lima ang iimbestigahan ng Kamara kundi ang iskandalong naganap  sa NBP noong siya pa ang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Ang NBP ay nasa ilalim ng DOJ.

Matatandaan ilang buwan bago magdeklarang tatakbong senador si De Lima ay walang humpay niyang pinalusob sa mga elemento ng National Bureau of Investigation (NBI) ang NBP na nagbunyag sa samut-saring iligalidad sa loob ng pambansang piitan, kabilang na ang pagkakaroon ng shabu.

Pagkatapos naganap ang serye ng atake sa NBP, inanunsiyo ni De Lima na handang-handa na siyang tumakbong senador.

Si De Lima ay kandidato ng administrayong Aquino at ng Liberal Party (LP).

Ilang linggo na ang nakalilipas, ibinulgar ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang unang dalawang pangunahing drug kingpin sa Pilipinas ay nakakulong sa NBP.

Ito ay sina Peter Co at Herbert Colangco.

Ang ikatlo, anang Duterte, ay si Peter Lim na kasalukuyang iniimbestigahan ng NBI.

Iniimbestigahan din si Lim ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ang isasagawang imbestigasyon ng Kamara hinggil sa NBP at De Lima ay alinsunod sa House Resolution No. 105 na inihain mismo ni Speaker Pantaleon Alvarez.

Inihain ni Alvarez ang resolusyon makaraang tukuyin at idiin ni Duterte na si De Lima ay naging protektor ng sindikato ng droga sa NBP.

Idiniin naman ni Cebu Rep. Gwendolyn Garcia na higit na mahalaga at makabuluhan ang imbestigasyon ng Kamara kumpara sa pagdinig na isinasagawa sa Senado na pinangungunahan ni De Lima.

Nakakainis ang imbestigasyon sa Senado dahil masyadong “biased” si De Lima, banggit ni Senador Peter Alan  Cayetano.

Sa panibagong impormasyong nakarating kay Duterte ay pasok uli ang pangalan ni De Lima sa drug matrix ng NBP.

Ayon kay Roque, kailangang dumalo ni De Lima sa pagdinig ng Kamara, dahil ang isyu ang nakadikit sa publiko.

Aniya, mainam na malaman ang katotohanan kung totoo bang nakakuha si De Lima ng malaking pera mula sa sindikato ng droga bago siya magdeklarang tumakbong senador.

Sinabi pa ng mambabatas na maraming dapat ipaliwanag si De Lima tulad ng pinagmulan ng perang ginamit niya sa pagtakbo bilang senador.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like