‘Intindihin din ang mga mangingisda’

anawagan ang Green Peace Philippines kay incoming President Rodrigo Duterte na bigyan din ng kaukulang pansin ang mahirap na kalagayan ng mga mangingisda sa bansa.

Ipinaalala ni Vince Cinches, Oceans Campaigner ng Greenpeace Philippines, kay Duterte na ang pag-aangat sa mahirap na kalagayan ng mga mangingisda

ay isa sa kanyang mga pangakong binitiwan noong nangungumbinsi pa siya sa mamamayan na ihalal siyang pangulo ng bansa.

Umaasa ang Green Peace na tutuparin ni Duterte ang kanyang pangako, saad ni Cinches.

Ipinaliwanag pa niya na “[Duterte’s] administration will play a critical role in the country’s transition to sustainable fishing. We expect nothing less than strong, resolute implementation of the amended fisheries law against illegal, unreported and unregulated fishing (IUUF). Doing less is a disservice to millions of Filipinos who have been clamoring for change.”

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang kahirapan sa sektor ng mga mangingisda ay tumaas sa 39.2% noong 2014 kung ikukumpara noong 2012.

Kapansin-pansin sa datos ng PSA na higit na mahirap ang buhay ng mga mangingisda kaysa mga magsasaka na nagtala ng 38.3% sa parehong taon.

Matapos siyang manalo, wala pang sinasabi si Duterte ng kahit isang plano niya sa mga mangingisda hanggang ngayon. (Tapat)

You May Also Like