Internet porn lumalala dahil sa RH law

MANILA — Sinisi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang kontrobersyal na Reproductive Health (RH) Law dahil sa malawakang pagkalat ng pornograpiya sa bansa.

Sa isang panayam sa Radio Veritas kamakailan, ipinaha- yag ni Pabillo na hindi masusugpo ng pamahalaan ang paglaganap ng pornograpiya sa internet kung hindi nito itinuturo ang kasagraduhan ng seks.

Dagdag pa nito, ang ‘culture of addiction’ ay lalong lalala dahil sa pagtataguyod ng gobyerno ng condoms, contraceptives at sa pamamagitan ng pagsuporta nito sa Reproductive Health law na tinututulan ng Simbahan.
Idiniin ng obispo na sinasalungat ng pamahaalang Aquino ang sariling pagsagupa nito sa child pornography, dahil patuloy naman ang pagpapalaganap nito sa ‘culture of sex’ sa pamamagitan ng pills at condoms.

“It is saddening that the government said it would combat pornography, but it itself promotes pills and condoms that encourages relationships outside marriages and extra marital affairs. It is not right and they should be consistent,” dagdag ni Pabillo.

“Hindi mo malalabanan ang pornography kung hindi mo alam ang halaga ng seks, hindi ito laro, sagrado ito. May layunin ito at hindi dapat basta-basta prinopromote kahit sa mga bata,” ani Pabillo.

Ayon din sa obispo, kahirapan ang dapat tuunan ng pansin ng adminstrasyon na siyang dahilan ng mabilis na paglaganap ng internet pornography kung saan karamihan ng mga biktima ay menor de edad.

“Poverty is the reason, it is because of poverty amongst our people that pushes them to cyber pornography and it should be addressed sincerely. What is happening is that most parents were unable to provide education for their offspring causing ignorance that eventually drives their children to cyber pornography to make a living,” paliwanag ni Pabillo.

Noong 2013, sa kalagitnaan ng mga Bill, ang ngayong Republic Act (RA) 10354, ipinahayag ni Lingayen Archbishop Socrates Villegas, kilala bilang malapit na kaibigan ng pamilyang Aquino, sa isang pastoral statement na ang nasabing kontrobersyal na batas ay isang uri ng korapsyon.

Archbishop Villegas ang kasalukuyang pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP). [PDG]

You May Also Like