Ina, pinatay ang sariling anak

Tatlong araw nang nakakulong sa Navotas police detention center ang isang ina dahil sa pagpatay sa sariling anak noong Biyernes.

Ang tatlong-taong-gulang na si Alexa Rain Aviso ay nagtamo ng pitong saksak sa iba’t – ibang parte ng katawan nito.

Matapos maganap ang karumal-dumal na krimen ay kaagad na dinakip si Jin Paula Pelayo, 26 anyos na residente ng KCC Venterdeck, Barangay Kapitbahayan sa Navotas City, ng mga alagad ng batas.

Ayon sa pulisya, inamin ni Pelayo sa lolo ng bata na si Rolando Aguyam n pinatay niya ang kanyang anak sa pamamagitan ng pitong ulit na pagsaksak sa bata.

Sabi ng pulisya, sinabi ni Pelayo ang krimeng nagawa niya pagkapasok na pagkapasok ni Aguyam sa kanilang bahay.

Kaagad namang itinakbo ni Aguyam ang apo sa pinakamalapit na pagamutan, ngunit hindi na kinaya ng mga doktor na isalba ang biktima.

Ganap na alas 2:00 nang umaga. idineklarang patay ang bata noong Biyernes.

Ayon sa pulisya, inamin umano ni Pelayo na isa siyang drug addict.

Sasampahan si Pelayo ng kasong parricide ng Navotas City Philippine National Police sa Navotas City Prosecutor’s Office ngayong Lunes. (Paula Antolin)

You May Also Like