Importante pa ba ang beauty pageant? Bakit o bakit hindi?

Swimsuits. Korona. Q&A portion. Heto ang madalas na sumasagi sa isipan ng marami kapag nababanggit ang “beauty pageant”. Napapanahon parin nga ba ang mga ganitong klaseng event para sa mga Pilipino?

Salamat sa mga sumagot ng ating Tapatan Question of the Week:

Importante pa ba ang beauty pageant? Bakit o bakit hindi?

“for me it is important also because isa ito sa nagbibigay ng turismo sa ating bansa at ipinakikilala ang kagandahan ng ating mga tourist spot lalo na ang talino at pag uugali ng ating mga kababaihan na sumasali dito.”
– Esteve Medina, Cavite City

“Pwede, important pa, para may role model.”
– RJ Musa, Mandaluyong City

“It gives inspiration lang din to other women obviously on wanting to look good, be healthy (dapat and not anorexic) haha, having goals, acheivng them. Pero on top of it, it promotes awareness na rin on issues that involves women. Essentially dpat gnon.”
– Vin Pamintuan, Pasig City

“Sa akin, okey lang naman na may mga beauty pageant. Minsan nakakatulong ito sa mga babae na maging mapag-alaga sa sarili at maintindihan ang epekto ng kanilang mga ginagawa sa environment nila. For example, kung alam mong marami sa kababaihan ay humahanga sa iyo, hindi ka basta-basta magbibigay ng maling example. Pero sana alisin nila yung bikini portion! Siguro totoo nga na dapat slim ang mananalo ng beauty pageant, pero madali naman iyon makita kung maganda ang pagkagawa ng kanyang gown. Parang lagi na lang kailangan parampahin ang mga babae nang nakasuot lang ng bikini at high heels, na hindi naman susuotin ng kahit sinong babae sa totoong buhay. Wala naman nagsusuot ng heels sa beach.”
– Nicole C. Bautista, Quezon City

“for women to be empowered, not only on physical beauty but also inner beauty when they are asked for interview or sa Q&A portion.”
– Lorna Ilagan, Mandaluyong City

“i think there are stll a lot of small girls around the world that look up to winners of beauty pageants. the thing is that these people should promote values that will inspire and help mold these little girls to better individuals if it fulfills that, then i would say yes [to beauty pageants].”
– Purple Juachon, Dubai, UAE

—-

TAPATAN:   Importante pa ba ang beauty pageant? Bakit o bakit hindi? (i-text ang sagot sa 0932-1469436)

You May Also Like