Imbestigasyon sa bumagsak na eroplano sa Indonesia, sinimulan na

INDONESIA—Sinimulan na ng National Transportation Safety Committee (KNKT) ang imbestigasyon kung bakit lumagpas sa paliparan ang eroplano ng Lion Air at lumagpak sa dagat ng Bali noong Sabado.

Nakuha naman ang flight data recorder (FDR) pero ‘di pa rin nahahanap ang cockpit voice recorder (CVR) para mapag-aralan kung ano talaga ang nangyari.

Sumadsad ang Lion Air Boeing 737-800 aircraft sa tarmac o huling bahagi ng paliparan ng Ngurah Rai International Airport pagkatapos baybayin ang Bandung sa West Java.

Lahat naman ng 108 na pasahero at pitong tripulante ay nakaligtas sa pagsalpok ng eroplano.

You May Also Like