IM Dimakiling kampeon sa Candon chessfest

story 4-chess IM Oliver DimakilingPinagharian ni International Master Oliver Dimakiling ng Davao City ang 2013 Candon Rapid Open Chess Championship na ginanap noong isang linggo sa Candon Civic Center, Candon City, Ilocos Sur.

Tinapos ni Dimakiling ang torneyo na may 6.0 puntos sa pitong rounds katabla si Fide Master Hamed Nouri, ngunit dahil tinalo ni Dimakiling si Nouri sa round 6 ay naiuwi ng Dabawenyo ang kampeonato at nahulog sa pangalawang puwesto si Nouri ng Escalante City, Negros Occidental.

Tabla rin sa pangatlong puwesto sina Grandmaster John Paul Gomez ng Binan, Laguna at Fide Master David Elorta ng Maynila na parehong may 5.5 puntos.

Nasungkit naman ni Jasper Laxamana ng Candon ang titulo sa 16 years old and under category at nakuha ni Alekhine Nouri ang kampeonato sa 12-under age-group. Kapwa sila nagtala ng anim na puntos sa torneyong inorganisa ng Candon City Chess Club.

Samantala, aarangkada sa Marso 23-26 ang huling yugto ng 2013 National Age Group Chess Championship.
Ito ay isang grassroots development program ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) na may layuning makahanap ng mga batang manlalaro na maaaring maging Grandmaster sa hinaharap.

“The tournament will be divided into the following categories: 20 years and below; 16 years and below; 14 years and below; 12 years and below; 10 years and below; and 8 years and below. There will be different divisions for boys and girls,” sabi ni NCFP executive  director GM Jayson Gonzales.

Ang mga mananalo sa Pangasinan leg ay uusad sa national finals kasama ng mga nagwagi sa iba pang regional legs. Ang mga magkakampeon sa national finals naman ay may tsansang makapaglaro sa 2013 ASEAN Age-Group Chess Championships na gaganapin sa Chiang Mai, Thailand sa Hunyo.

You May Also Like