Iligal Terminal, Namamayagpag sa Maynila

 

 

SIGA: Walang saysay ang utos ni Mayor Joseph "Erap" Estrada na mawala ang iligal na terminal ng mga pampublikong sasakyan sa Liwasang Bonifacio kahit pa si Estrada ay naging Pangulo ng Pilipinas. (Jar-Ar Ortonero)
SIGA: Walang saysay ang utos ni Mayor Joseph “Erap” Estrada na mawala ang iligal na terminal ng mga pampublikong sasakyan sa Liwasang Bonifacio kahit pa si Estrada ay naging Pangulo ng Pilipinas. (Jar-Ar Ortonero)

Ng: Tapat News Team (TMT)

 
LUMILITAW na balewala ang utos ni Mayor Joseph “Erap” Estrada na tanggalin ang lahat ng iligal na terminal ng mga pampublikong sasakayan sa Maynila.
 
Ito’y dahil nadiskubre ng Tapat News online at bi-monthly newspaper at nakuhaan pa ng aming photographer na si Jay-Ar Ortonero ang napakahabang linya ng mga pampasaherong sasakyan sa Liwasang Bonifacio.
 
Ang pananatili ng iligal terminal sa Liwasang Bonifacio ay nangangahulugang malakas ang grupo ng mga pampublikong sasakyan, kaya nanatili ang iligal na paggamit ng ilang bahagi ng Liwasang Bonifacio bilang terminal.
 
Matatandaang inutusan ni Estrada si Che Borromeo, mataas na opisyal sa administrasyon ni Estrada, na linisin ang Liwasang Bonifacio mula sa iligal na terminal.
 
Ayon pa kay Estrada, kailangang tapusin ang proteksiyon ng sinumang malakas na opisyal ng pamahalaang lokal ng Maynila, o ng Manila Police District (MPD).
 
Matapos ang dalawang linggo mula nang utusan ni Estrada si Borromeo, tila walang nangyari, sapagkat nanatili ang pamamayagpag ng mga iligal terminal sa Liwasang Bonifacio.
 
Ang kuha ni Ortonero ay nangangahulugang palpak si Borromeo.
 
Wala ring nagawa ang Manila Police District (MPD) na nakabase sa Liwasang Bonifacio.

You May Also Like