Ilang Produkto ng Belo Essentials pinatatanggal sa merkado dahil sa Isobutyl Paraben.

 

 

Ni: Marites Badilla
 
HINILING ng EcoWaste Coalition sa Intelligent Skin Care Inc. na tanggalin sa merkado ang ilan sa produkto nilang Belo Essentials na mayroong laman na isobutyl paraben.
 
Ayon sa EcoWaste, ang isobutyl paraben ay hindi magandang ingredient, kaya hindi na ito dapat gamitin sa kanilang produkto.
 
Ang parabens ay natukoy bilang “endocrine disrupting chemicals based on evidence that they interfere and mimic hormones, particularly estrogen, which is the primary female sex hormone,” paliwanag ng EcoWaste.
 
Batay sa pag-aaral, ang parabens ay iniugnay sa breast cancer, tumors ng uterus, abnormal development ng testes, infertility at iba pang isyu hinggil sa reproductive health, patuloy ng grupo.
 
Ang mga produktong sinasabi ng EcoWaste ay ang Belo Essentials Whitening Lotion na mayroong SPF 30 (white container), Belo Essentials Whitening Lotion na mayroong  SPF 30 (off-white container) na may sub-text complete defense mula sa  UVA at UVB rays,  Belo Essentials Whitening Lotion na mayroong Skin Vitamins (na may sub-text “lavishes skin with long lasting moisture”), Belo Essentials Moisturizing Whitening Body Bar na mayroong  Nourishing Skin Vitamins (white at light blue box), Belo Essentials Moisturizing Whitening Body Bar na mayroong Nourishing Skin Vitamins (pink at blue box), at Belo Essentials Smoothening Whitening Body Bar na may Exfoliating Microbeads (pink box).
 
Hiniling ng EcoWaste ang pagpapaalis sa mga naturang mga produkto ng Belo Essentials na makikita pa sa 29 sangay ng 17 pangunahing supermarket sa sampung lungsod sa Metro Manila tulad ng Caloocan City, Makati City, Mandaluyong City, City of Manila, Muntinlupa City, Pasay City, Pasig City, Quezon City, San Juan City, at Taguig City.
 
Ang mga supermarket na makikita pa hanggang Agosto 3 ang mga ipinatatanggal na mga produktong Belo Essentials Agosto 3 ay ang mga sumusunod:
 
1.                           All Day Supermarket (Star Mall, Mandaluyong City; Vista Mall, Taguig City);
 
2.                           Cherry Foodarama (Shaw Boulevard, Mandaluyong City);
 
3.                           Ever Supermarket (Quezon Ave., Quezon City);
 
4.                           Fisher Supermarket (Fisher Mall, Quezon Ave., Quezon City);
 
5.                           Isetann Department Store (Carriedo St., Quiapo, Manila; Recto Ave., Quiapo, Manila);
 
6.                           Isetann Supermarket (Recto Ave., Quiapo, Manila);
 
7.                           Puregold Supermarket (J.P. Rizal Ave., Makati City; Shaw Blvd., Mandaluyong City);
 
8.                           Robinsons Department Store (Star Mall Alabang, Muntinlupa City);
 
9.                           Robinsons Supermarket (Victory Mall, Caloocan City; Star Mall Alabang, Muntinlupa City; Robinsons Metro East, Pasig City);
 
10.                       Rustan’s Supermarket (EDSA Shangrila Plaza,  Mandaluyong City);
 
11.                       Savemore Supermarket (Empire Center, EDSA, Pasay City);
 
12.                       Shopwise Supermarket (Vito Cruz Extension, Makati City);
 
13.                       SM Supermarket (SM City San Lazaro, Manila);
 
14.                       Unimart (Greenhills Shopping Center, San Juan City);
 
15.                       Watsons (SM Department Store, Quiapo, Manila; Star Mall Alabang, Muntinlupa; Farmers’ Plaza, Quezon City);
 
16.                       Wellcome Supermarket (Star Mall Alabang, Muntinlupa; Metro Point Mall, Pasay City; Farmers’ Plaza, Quezon City);
 
17.                       Mercury Drug (J.P. Rizal Ave., Makati City; Star Mall Alabang, Muntinlupa City; Metro Point Mall, Pasay City; Greenhills Shoppesville, San Juan City);
 
Idiniin ng EcoWaste na dapat nga ay hindi na ibenebenta sa merkado ang mga produkto ng Belo Essentials na mayroong isobutyl paraben simula nitong Hulyo 31.
 
Ngunit, nang mag-ikot ang mga opisyal at miyembro ng EcoWaste mula Agosto 1 hanggang 3 ay nakita nilang marami pang ibenebentang kuwestiyonableng mga produktong Belo Essentials.
 
Inilinaw ng EcoWaste na ang nagbawal sa pagbebenta ng ilang Belo Essentials ay ang Food and Drug Administration (FDA).
 
Ipinarating na ng EcoWaste Coalition sa FDA ang kanilang kahilingan sa Intelligent Skin Care Inc.
 
Umaasa ang EcoWaste na kikilos agad ang FDA para sa ikabubuti ng mga mamimili.
 
Ayon kay Thony Dizon, EcoWaste coordinator, “Retail establishments should remove the recalled products off the shelves and have them returned to the company for environmentally-sound disposal.”
 
Idiniin ng FDA na “cosmetic products found to contain any of the five identified banned ingredients pose potential health risk to the consuming public and therefore, shall not be allowed to be placed or to remain in the Philippine market starting 1 January 2016.”

You May Also Like