Ilang kasapi ng Kamara, bumuo ng ‘koalisyon para sa buhay’

coalition

ILANG kasapi ng Mababang Kapulungan na pinamunuan ng Buhay party-list at ilan pang miyembro ng tinaguriang ‘independent bloc’ ng Kongreso ang nag anunsiyo ng pagbubuo ng ‘koalisyon para sa buhay’ na inaasahang magtataguyod ng adbokasyang pro-life.

“Napagtanto namin na may pagkakahambing, sa iisang posisyon upang ipalaganap ang kultura ng buhay sa bansa sa pamamagitan ng Kongreso,” ani Atienza, na kasama ni Rep. Ferdinand Martin Romualdez ng Leyte, ay pinamunuan ang pagbuo ng nasabing koalisyon.
Dagdag pa ni Atienza na ang koalisyon para sa buhay ay nagkakaisa ng posisyon sa isyung pamilya at buhay.

“Sa isyu ng diborsyo, lahat kami ay tutol diyan. Sa isyu ng kasal ng parehong kasarian, lahat kami ay tutol diyan. Sa isyu ng aborsyon, at lahat ng bayolenteng paraan ng pagpapalaglag, lahat kami ay tutol diyan. Sa isyu ng euthanasia o pagkitil sa mga walang pakinabang, tutol kami diyan,” ani Atienza.

Matatandaang noong isang linggo lamang binuo ang ‘independent bloc’ bilang tugon sa pagtutol ng ilang kongresistang sumapi sa minority bloc ni House Minority Leader Ronaldo Zamora ng San Juan na inaakusahang “tuta” lamang ng mayorya na pinamumunuan naman ni Speaker Feliciano Belmonte.

You May Also Like