Ikatlong petisyon laban kay Marcos, saksakan nang labo

LABAN SA LIBING NI MARCOS: Pinangunahan ni dating pinuno ng Commission on Human Right Etta Rosales at beteranang mamahayag Joan Maglipon ang ikatlong grupo na nagtungo sa Korte Suprema upang kumbinsihin ang nasabing institusyon na ipagbawal nito ang pagpapalibing sa mga labi ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. (Jay-Ar Ortonero)
LABAN SA LIBING NI MARCOS: Pinangunahan ni dating pinuno ng Commission on Human Right Etta Rosales at beteranang mamahayag Joan Maglipon ang ikatlong grupo na nagtungo sa Korte Suprema upang kumbinsihin ang nasabing institusyon na ipagbawal nito ang pagpapalibing sa mga labi ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. (Jay-Ar Ortonero)

Ni: Marites Badilla

 
KAHAPON naghain ng petisyon ang dating pinuno ng Human Rights Commission (CHR) at beteranang mamamahayag sa Korte Suprema laban sa paglilibing sa dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
 
Ang petisyon nina Etta Rosales at Joan Maglipon ay ikatlo nang grupo na humiling sa Korte Suprema laban sa paghihimlay kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
 
Ang naunang dalawa ay sina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at Rep. Neri Colmenares at ilang kamag-anak ng mga biktima umano desiperasidos noong panahon ni Marcos.
 
Idiniin nina Rosales at Maglipon na ang paglilibing kay Marcos ay tahasang paglabag sa itinuturo ng Saligang-Batas hinggil sa pagiging “tapat” at “transparency.”
 
Lalabagin din umano nito ang kasunduan saa pagitan ng pamahalaan at pamilya Marcos noong 1993 na nagsasabing sa Batac ihihimlay ang mga labi ni Marcos.
 
Ngunit, hindi idiniin nina Rosales at Maglipon kung anu-ano ang eksaktong batas ang nagbabawal na ihimlay si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
 
Nakatakdang ilibing si Marcos sa Setyembre 18.
 
Si Marcos ay namatay noong Setyembre 1989, tatlong taon makaraang mapatalsik siya sa estado poder.
 
Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, igagalang at kikilalanin ng Malakanyang ang magiging desisyon ng Korte Suprema.
 
Idiniin ni Duterte na nagpasya siyang payagan nang ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani upang mapagpasya nang matapos ang hidwaang umiiral sa mga Pilipino.
 
Idiniin naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang pagiging dating pangulo at sundalo ni Marcos ang dalawang batayan kung bakit ligal ang pagpapalibing sa mga labi ni Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
 
Bibigyan pa ng AFP ng 21-gun salute si Marcos bilang respeto sa dating Pangulo at sundalo.

You May Also Like