IKATLO ‘TO: 20-Taong Drug lord sa Cebu City, Patay

 

DALAWAMPUNG taon siyang drug lord sa ilang barangay sa Cebu City, ngunit walang ‘gumagalaw’ sa kanyang pulis kahit alam na alam nilang siya ay drug lord.

Ngunit nitong Enero 13, namatay si Jesusimo “Titots” Dequitos, ayon sa anunsiyo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sabi ng PDEA, si Dequitos ay nakipagbarilan sa mga miyembro ng PDEA nang huhulihin si Dequitos, kaya binaril siya na nauwi sa kanyang pagkamatay.

Kamakailan, si Pablito Lobenares na kilalang drug lord sa Mandaue City sa lalawigan ng Cebu ay pinagbabaril ng dalawang hindi kilalang lalaki hanggang mamatay.

Namatay si Lobenares ilang minuto matapos siyang magpiyansa para sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Noong Hunyo 2016, namatay din si Jeffrey “Jaguar” Diaz nang makipagbarilan umano sa mga pulis.

Ang 56-anyos na si Dequitos ay sa mga kilalang notoryus na drug lord sa Cebu, banggit ng PDEA.

Nakuha kay Dequitos matapos ang engkuwentro ay 1 kilo ng shabu na ang halaga ay P11.8 Milyon at kalibre 38 na may limang  bala.

Walo ang kasong may kinalaman sa iligal na droga ang nakasampa kay Dequitos sa  Cebu City.

Ayon sa PDEA, labas-pasok si Dequitos sa kulungan.

Ang anak niya ay nakakulong dahil sa droga, samantalang ang apo niya hinahanap ng mga pulis dahil din sa iligal na droga.

Ayon sa PDEA, ang shabu ni Dequitos ay kinukuha sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Naniniwala ang PDEA na mayroong protektor si Dequitos na sa pamahalaan o sa Philippine National Police (PNP), kaya hindi siya ginagalaw ng mga awtoridad sa loob ng 20-taon.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like