IED, Cellphone Pumatay sa 14 Katao

davao blast 2

Ni: Roy Bersales

 

IMPROVISED explosive device (IED) at cellular phone ang ginamit ng mga nagpasabog sa night market sa Davao City nitong Biyernes ng gabi, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Senior Supt. Michael John Dubria, ang ginamit na IED ay naglalaman ng 60-mm mortar.

Ani Dubria, nalaman nila ito dahil may nakuhang fuse assembly na bahagi 60-mm mortar.

Nakuha ang fuse assembly mula sa katawan ng isa sa mga namatay na biktima, patuloy ng direktor ng PNP Davao.

Ang iba naman ay nakuha sa mismong pinagyarihan ng krimen, dagdag niya.

Ani Dubria, malakas sumabog ang 60-mm mortar kapag nailagay ito sa matigas na bagay.

Sumabog ang IEB pasado alas 10:00 ng gabi nitong Biyernes matapos pindutin ng suspek ang cellular phone.

Sinisilip ng mga imbestigador ang isang lalaking nag-iwan ng bag sa isang tabi matapos manggaling sa isang message parlor, banggit ni Director General Ronald dela Rosa, hepe ng PNP.

May kasama rin daw na dalawang babae ang lalaking nag-iwan ng IEB, dagdag ni Dela Rosa.

Nabatid ng Tapat News na palaging 60-mm mortar ang ginagamit sa paggawa ng IED sa ilang beses nang naganap na pagpapasabog sa Davao City sa mga nakalipas na taon.

Noong Nobyembre 2015, 50 metro ang layo sa SM City ay 60-mm mortar din ang ginamit sa IEB na sumabog sa loob ng isang van.

Dalawa ang sugatan sa insidenteng ito.

Isang 12-taong-gulang ang namatay nang sumabog ang IED sa Davao City Overland Transport Terminal noong Pebrero 2005.

Noong Abril 2003 ay 36 na katao ang namatay nang sumabog ang IED sa Davao Airport at sa Sasa wharf.

Inamin ni Dela Rosa na mahirap namang matukoy ang mga partikular na operasyon ng mga terorista kahit gaano kasugid ang paghahabol sa kanila.

Aniya, kahit nga ang Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika ay nalulusutan din ng mga terorista.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like