Idineklarang “State of Lawlessness” ni Duterte, Nakabatay sa Saligang-Batas

ALERTO: Pati sa Maynila, ang kabisera ng Pilipinas, ay biglang nag-ikot at nagbantay ang mga pulis, sa  mga pampublikong lugar, kabilang na ang Quiapo na malapit sa pamayanan ng mga Muslim, makaraang nagpasabog ang Abu Sayyaf Group (ASG) sa isang palengke sa Davao City nitong Biyernes ng gabi na ikinasawi ng 14 na katao at ikinasugat nang malubha ng higit 60 na katao. Hangad ng Manila Police District (MPD) sa pamumuno ni Senior Supt. Joel Colonel na hindi makakapasok ang ASG sa Maynila. (Jay-Ar Ortonero)

Ni: Roy Bersales

NAKABATAY sa Saligang-Batas ang pagsasailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ng bansa sa “state of lawlessness.”

Ito ang punto ni Fr. Ranhilio Callangan Aquino, dekano ng San Beda’s Graduate School of Law.

Ani Aquino, ang ginawa ni Duterte ay nakabatay sa Artikulo VII ng Saligang-Batas.

Idiniin ni Aquino na ang ginawa ni Duterte ay “declaration by the Chief Executive that there is notable lawlessness in the country.”

Dakong 5:10 ng umaga ngayong Sabado idineklara ni Duterte ang “state of lawlessness”—higit pitong oras matapos maganap ang pagsabog sa palengke ng Davao City nitong Biyernes.

Sa unang ulat, 12 ang namatay at 58 ang sugatan.

Ngunit, sa kalauna’y naging 14 na ang namatay at mahigit 60 ang lubhang sugatan.

PATI BUS: Pinangunahan ni Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, umaaktong direktor ng Quezon City Police District Police (QCPD), ang pagsisiyasat sa mga bus sa bus terminal sa Cubao Quezon City upang makatiyak ang kanyang komand na ligtas ang mga mananakay na pupunta sa Visayas Region mula sa teroristang Abu Sayyaf Group (ASG). (Rafael Taboy)

Inilinaw kaagad ni Duterte na hindi niya isinailalim ang buong bansa sa “martial law.”

Idiniin ng Pangulo na inaatasan lamang niya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na sumama at tulungan na ang Philippine National Police (PNP) sa pagtitiyak ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Ipinaliwanag ni Aquino na ang ginawa lamang ni Duterte ay kanyang inilatag ang “premise for the exercise of the “calling out”power” bunga ng karumaldumal na pagpapasabog sa pampublikong lugar na ikinasawi ng 14 nakatao at malubhang ikinasugat ng mahigit 60 katao.

Inako na ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) ang pagpapasabog.

Sa kasalukuyan, hindi tumitigil ang AFP sa paglusob at pagtugis sa mga opisyal at kasapi ng ASG sa Sulu upang tapusin na ang organisasyong ito batay sa utos ni Duterte.

Idiniin pa ng dekano na pinapayagan ang Pangulo ng bansa na atasan ang sandatahang lakas na supilin ang kaguluhang walang kinikilalang batas.”

Inilinaw niya na hindi nangangahulugang lalabagin ng mga awtoridad ang karapatang pantao ng mamamayan.

Ang mangyayari sa pasya ng Pangulo ay magtutulong na ang AFP at PNP sa pagsupil ng mgaa kaguluhang hindi na umaayon sa dikta ng batas ng bansa.

Tiniyak naman ng pinuno ng PNP na si Director General Ronald dela Rosa na hindi aabuso sa kapangyarihan ang PNP sa pagsupil ng mga kriminal at terorista at pagprotekta sa mamamayan.

Kaya, idiniin ni Dela Rosa walang dapat ipangamba ang mamamayan sa pagsasailalim ni Duterte sa buong bansa sa state of lawlessness.

Ngunit, inililinaw ng Malakanyang na inaalam pa hanggang sa mga oras na ito kung ang desisyon ng Pangulo ay patungkol lamang sa buong Mindanao, o sakop na nito ang buong bansa.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like