Huwag Palusutin ang Kolonwel Trading at Hubei Jiangnan Special Automobile Co. Ltd.

 

 

KAMAKALAWA, naglabas ng desisyon ang Office of the Ombudsman na nagsasabing dapat sampahan ng kasong korapsyon si Nur Misura at iba pang opisyal ng pamahalaan at mga representatibo ng iba’t ibang kumpanya dahil sa kuwestiyonableng P137.5 Milyon proyekto noong gobernador pa si Misuari ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).

Ang mga kumpanyang nadawit alinsunod sa rekord ng Office of the Ombudsman ay ang White Orchids Co., CPR Publishing, Esteem Enterprises, at Dunong Publishing.

Ang pagkakasangkot ng mga pribadong kumpanya sa maanomalyang transaksyon sa pamahalaan, pambansa man o lokal, ay madalas mangyari.

At ang pinag-uusapang halaga ay multi-milyon.

Kamakailan lang, isinapubliko ng hepe ng Bureau of Customs (BOC) na si Nick Faeldon na nalugi ang pamahalaan ng P141 Milyon dahil sa hindi nabayaran ang tamang buwis ng mga kumpanyang Kolonwel Trading   Hubei Jiangnan Special Automobile Co. Ltd.  sa kinontrata nilang 469 trak ng Bureau of Fire Protection (BFP) mula Hunyo 2015 hanggang Marso 2016.

Sabi ni Faeldon, ginawang P760,000 ang halaga ng  trak na pamatay-sunog na 1,000 galon ang kapasidad, samantalang P6,237,762 tunay na presyo nito batay sa “supply contract” ng BFP.

Naging P540,000 naman ang halaga ng pamatay-sunog na trak na ang kapasidad ay 500 galon, imbes na P4,690,047 na siyang tunay na halaga nito, ayon pa rin sa supply contract ng BFP.

Dahil sa pagbawas ng halaga ng 469 pamatay-sunod na mga trak ay nasayang ang P411 Milyong pera na naibayad sana sa pamahalaan bilang customs duties at iba pang kakabit na mga bayarin.

At ang nagbayad ayon sa BOC at BFP ay ang BFP bilang “consignee,”sa halip na ang Kolonwel Trading Hubei Jiangnan Special Automobile Co. Ltd. bilang na dapat na magng mga “consignee.”

Napakahusay naman ng may pakana ng multi-milyong transaksyon ng Kolonwel Trading at Hubei Jiangnan Special Automobile Co. Ltd.

 

Dapat maimbestigahan ng Department of Justice (DOJ), BOC, at BFP nang malalim at matukoy ang mga kasabwat ng Kolonwel Trading at Hubei Jiangnan Special Automobile Co. Ltd. sa BOC at BFP sa pandarambong na naganap noong Hunyo 2015 hanggang Marso 2016 laban sa pamahalaan.

At kapag nakakalap ng matitibay na mga ebidensya ay kasuhan ang mga sangkot kabilang na ang mga taga-Kolonwel Trading at taga-Hubei Jiangnan Special Automobile Co. Ltd.

Kapag hindi naparusahan at hindi makulong ang mga sangkot sa pandarambong na ito, nangangahulugan lamang na mayroong matibay na dahilan kung bakit patuloy na nakapanloloko at nakapandaraya ang mga pribadong kumpaya sa pamahalaan.

Simple lang ang dahilan na ito.

Ito ay: Hindi kayang parusahan ng estado ang sinumang pribadong kumpanya na kasabwat ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan sa pagnanakaw, o pandarambong sa pamahalaan.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like