Huwag Pakinggan si Rep. Prospero Pichay

 

NAGIMBAL ang industriya ng pagmimina sa Pilipinas nang ipasara ni Environment Secretary Regina Paz Lopez ang 21 mining companies dahil sa pagkawasak ng kapaligirang kanilang nasasakupan.

Sinuportahan naman agad nina Pangulong Rodrigo Duterte at  House Speaker Pantaleon Alvarez ang desisyon ni Lopez.

Si Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr. ay tahasang tutol sa desisyon ni Lopez, sapagkat mahigit daw 1 milyon ang mawawalan ng trabaho sa kanyang distrito kapag itinuloy ang pagpapatigil ng pagmimina sa Surigao del Sur.

Sa mga hindi nakakakilala kay Pichay, siya ay beteranong mambabatas.

Dating negosyante si Pichay, bago naging pulitiko.

Minsan nang tumakbong senador si Pichay, ngunit natalo kahit napakalaking halaga ang ginastos sa eleksyon.

Si Pichay ay nahaharap sa kasong katiwalaan na nakasalang sa Sandiganbayan.

May kaugnayan ang kaso noong opisyal pa siya ng Local Water Utilities Authority (LWUA).

Hindi pabor ang Tapatnews.com sa posisyon ni Pichay laban sa desisyon ni Lopez sa 21 mining firms, ngunit iginagalang ng Tapatnews.com ang opinion ng mambabatas.

Nakagugulat at hindi kapani-paniwala ang sinabi ni Pichay na mahigit 1 milyon ang mawawalan ng trabaho sa Surigao kung tuluyang matitigil ang pagmimina ng pitong kumpanya sa nasabing lalawigan.

Ayon kasi sa Ibon Foundation at Alyansa Tigil Muna (ATM), hindi umaabot sa 300,000 ang trabahong naibigay ng mga mining company kada taon simula noong 1995.

Maliit din ang ambag ng mining industry sa gross domestic product (GRP) taun-taon simula noong 1995, ayon pa rin sa Ibon at ATM.

Kaya, ang tanong ay saan kayang lupalop ng impiyerno kinuha ni Rep. Pichay ang kanyang datos?

Kaya, huwag pakinggan ni Lopez at Duterte ang pahayag ni Pichay, sapagkat malinaw na malinaw na hindi nakatuntong sa tamang datos ang opinyon ni Pichay.

Batay sa listahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang mga ipinasasara ay ang mga sumusunod: Benguet Corporation, Ore Asia Mining and Development Corporation,

Benguet Corp Nickel Mines Incorporated, Eramen Minerals Incorporated, LNL Archipelago Minerals Incorporated,

Zambales Diversified Metals Corporation, Mt. Sinai Mining Exploration and Development Corporation, Emir Minerals Corporation, TechIron Mineral Resources Incorporated,

AAMPHIL Natural Resources Exploration, Oriental Synergy Mining Corporation,

SinoSteel Philippines, HY Mining Corporation,

Kromico, Inc., Oriental Vision Mining Philippines Corp., Wellex Mining Corp., Libjo Mining Corp., Surigao del Norte, ADNAMA Mining Resources Corp., Claver Mineral Development Corp., Hinatuan Mining Corp., CTP Construction and Mining Corp., Carrascal Nickel Corp., Marcventures Mining and Development Corp.,

Platinum Group Metals Corp.

Ang isinuspinde ay ang mga sumusunod: Berong Nickel Corp., Oceana Gold Philippines Inc., Lepanto Consolidated Mining Corp., Citinickel Mines and Development Corp., Strong Built Mining Development Corp.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like