Huwag Kalimutan ang mga Manggagawa

PAULIT-ULIT na idinidiin ni Rodrigo Duterte mula noong siya ay nangangampanya pa lamang hanggang ngayong Pangulo na siya ng Republika ng Pilipinas na kailangang wakasan ang korapsiyon, kriminalidad, at  lalung-lalo na ang droga.
 
Binanggit din ni Duterte ang tungkol sa kontraktuwalisasyon na aniya’y talamak at napalalang suliranin ng mga manggagawa.
 
Sabi ni Duterte: “Pagkaupong-pagkaupo ko sa Hunyo 30, wala na ‘yang kontraktuwalisasyon.”
 
Ngayong nakaupo na siya bilang ika-16 na Pangulo ng Republika, hindi pa rin nawawala.
 
Totoo, hindi awtomatikong magwawakas ang kontraktuwalisasyon, ngunit dapat nasisimulan na ng administrasyong Duterte ang mga paghahanda, hakabang, at mekanismong ikakasa upang mawala ang naturang suliranin ng mga manggagawa.

Propellerads

 
Ang masama ay hindi na nga nasisimulang wasakin ang kontraktuwalisasyon, hindi na binabanggit ni Duterte ang salitang ‘kontraktuwalisasyon.’
 
Hindi niya binibira ang mga kapitalista hinggil dito.
 
Hindi niya hinahamon ang mga kapitalista tungkol dito.
 
Hindi nagdedeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng gyera laban sa mga mapanamantalang kapitalista.
 
Sana’y walang masamang ibig sabihin ito.
 
Sana, ang ‘di pagbigkas ni Duterte hinggil sa suliraning idinidiin ng Tapat News ay hindi nangangahulugang kinalimutan na niya ang paglunsad ng kampanya laban sa kontraktuwalisasyon.
 
Ang kontraktuwalisason ay isa sa nangugunang suliranin ng mga manggagawa.
 
Ito’y dahil regular at estabilisadong sistema ng pananamantala at pangwawalang hiya saa mgaa manggagawa ang kontraktuwalisasyon, ngunit hindi regular at estabilisado ang kinikita at ikinabubuhay ng mga manggagawa sa kanilang pinaghihirapan.
 
Kung tutuusin, silang mga kontraktuwal na manggagawa ang pinaka-bugbog at pinaka-nakatitikim ng masahol na pananamtala ng mga kapitalista, ngunit sila ang nakalasap ng pinakamalupit na pananamantala.
 
Nagtatrabaho sila nang wasto at batay sa utos ng kanilang amo, ngunit hindi wasto ang kanilang natatanggap na sahod tuwing isang at mga benepisyo.   
 
Kung sakalng magtuluy-tuoy na kalimutan ni Pangulong Duterte ang mga suliranin ng mga manggagawa, kami rito sa Tapat News ay makalilimot dahil ang mga higit 67 milyong manggagawang Pilipino at pang ordinaryong mamamayan ang dahilan kung bakit pinagbubuti at pinalalakas ang Tapat News.

You May Also Like