HINDI SOLIDO ANG LP

 

Senadora LEILA DE LIMA
LEILA DE LIMA: Marami ang naniniwala na ginagamit lamang ni Sendora Leila de Lima ang Senado upang wasakin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ni: Roy Bersales

 

LUMILITAW na hindi nagkakaisa ang Liberal Party (LP) sa pagpapasulpot ni Senadora Leila de Lima ng isang dating ‘mamatay-tao’ para ‘pagbabarilin’ si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte dahil si Bise-Presidente Ma. Leonor “Leni” Robredo ay malaki ang duda sa impormasyong isiniwalat sa Senado.

Sabi ni Robredo sa media hinggil sa testimonya ni Edgar Matobato sa Senado nitong Huwebes, “ang mga akusasyon ay masyadong seryoso, pero dapat paniwalaan ang mga ito. Panigurado, hindi natin alam kung siya ay nagsasabi ng totoo.”

Si Robredo ay miyembro ng LP.

Kamakalawa, nagpahayag si Robredo ng solidong suporta kay Duterte.

Si De Lima na pinuno ng Senate Committee on Justice and Human Rights ay kasapi rin ng LP.

Kalaban ni De Lima si Duterte, sapagkat idiin ng Pangulo na sangkot ang baguhang senador iligal na droga at nakagawa ng imoralidad nang pumatol ito sa kanyang dating tsuper na may asawa.

Idiin pa ni Robredo na “Dapat maging mapagbantay” ang mamamayan sa mga akusasyon ng mga tao laban kay Duterte.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights nitong Huwebes, idiniin ni Matobato sina Pangulong Duterte at Davao City Vice-Mayor Paolo Duterte sa mga pagpatay ng mahigit 1,000 katao mula 1998 hanggang 2014, kabilang sina bilyonaryong Richard King, Sali, Makdum na isa umanong international terrorist, at apat na bodyguard daw ni dating Speaker Prospero Nograles.

MAGKASANGA?: Sina Senador Alan Peter Cayetano ay magkasangga noong ginigisa nila noon si dating Bise-Presidente Jejomar Binay, ngunit ngayon ay magkalaban sa isyu ng pag-uutos umano Pangulong Rodrigo Duterte nag pagpapalikida sa mahigit 1,000 katao noong siya ay alkalde ng Davao City  mula 1989 - 2014. Si Cayetano ay taga-pagtanggol ni Duterte, samantalang si Trillanes ay kakampi ni Senadora Leila de Lima laban kay Duterte.
MAGKASANGA?: Sina Senador Alan Peter Cayetano ay magkasangga noong ginigisa nila noon si dating Bise-Presidente Jejomar Binay dahil korapsiyon at pandarambong, ngunit ngayon ay magkalaban sa isyu ng pag-utos umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pagpapalikida sa mahigit 1,000 katao noong siya ay alkalde ng Davao City mula 1989 – 2014. Si Cayetano ay taga-pagtanggol ni Duterte, samantalang si Trillanes ay kakampi ni Senadora Leila de Lima laban kay Duterte.

Lahat ng ito ay pinasunungalingan ng iba’t ibang tao.

Ang nangyari sa pagdinig ng Senado ay nagmistula itong ‘shooting range’ na ang ginawang target sa pamamaril ay si Pangulong Duterte at anak na si Paolo.

Sa parehong pagdinig, hinangad ni Senador Alan Peter Cayetano na malaman kung ang pagpapasulpot ni De Lima kay Matobato ay bahagi ng Plan – B ng LP para patalsikin si Duterte.

Matatandaang dahan-dahang hinihimok ni Cayetano si Matobato kung saan at paano siya napunta sa Senado.

Ngunit, kitang-kita sa telebisyon na hinarang nina De Lima at Senador Antonio Trillanes IV si Cayetano.

Inamin ni Matobato na sa San Fabian, Pangasinan siya nagtatago.

Isang taong simbahan ang tumulong sa kanya.

Bukod kay Cayetano, ang isa pang nanduda ay si Senador Panfilo Lacson.

Napirmes ito ni Lacson nang sabihin ni Matobato na pinatay ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) si Makdum noong 2002.

Wala nang PAOCTF noong 2002 at walang lumlbas sa goggle na namatay na Makdum, banggit ng senador.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like