Hindi Protektor ng Sindikato ng Droga sina Pagdilao at Tinio—Napolcom

REPORT NG NAPOLCOM: Ipinaakita ni Atty. Johnson Reyes ng  National Police Commission (Napolcom) sa media ang resulta ng imbestigasyon ng ahensiya laban kina Director Joel Pagdilao at Chief Supt. Edgardo Tinio na isinampa na sa Napolcom en banc.  Hindi kasali si Chief Supt. Bernardo  Diaz dahil hindi pa tapos ang kasong isasampa laban sa kanya. (Rafael Taboy)
REPORT NG NAPOLCOM: Ipinapakita ni Atty. Johnson Reyes ng National Police Commission (Napolcom) sa media ang resulta ng imbestigasyon ng ahensiya laban kina Director Joel Pagdilao at Chief Supt. Edgardo Tinio na isinampa na sa Napolcom en banc. Hindi kasali si Chief Supt. Bernardo Diaz sa kaso dahil hindi pa tapos ang kasong isasampa laban sa kanya. (Rafael Taboy)

 

 

Ni: Marites Badilla

 

SINAMPAHAN na ng kasong administratibo sina Director Joel Pagdilao at Chief Supt. Edgardo Tinio sa National Police Commission (Napolcom) en banc, ngunit walang kinalaman sa koneksiyon nila sa sindikato ng droga.

Idiniin ni Rogelio Casurao, vice-chairman ng Napolcom, na ang kaso nina Pagdilao at Tinio ay “serious neglect of duty, serious irregularities in the performance of duty, and conduct unbecoming of a police officer.”

Sina Pagdilao at Tinio ay dalawa sa aktibong heneral ng Philippine National Police (PNP) na inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na protektor, o may koneksiyon sa sindikato ng droga na nakabasesa New Bilibid Prison (NBP).

Ang isa pang heneral ay si Chief Supt. Bernardo Diaz ng PNP – Visayas Region.

 

Si Pagdilao ay siyang hepe ng National Capital Region Police Office (NRCPO) nang masibak siya sa puwesto, samantalang si Tinio ay pinuno naman ng Quezon City Police District (QCPD).

Ang dalawa pang sinangkot ni Duterte sa sindikato ng droga na mga heneral ng PNP na ngayon ay mga retirado ay sina Deputy Director Marcelo Garbo at Chief Supt. Vicente Loot.

Tahasang itinanggi ng lima na sangkot sila sa iligal na droga sa anumang paraan.

Dahil sa akusasyon ni Duterte, hindi binigyan ng puwesto ang tatlong heneral ni Director General Ronald dela Rosa, hepe ng PNP, nang maglunsad ito ng malawakang balasahan sa PNP simula noong Hunyo 30.

Inimbestigahan ng Napolcom sina Pagdilao, Tinio, at Diaz, ngunit inamin ni Casurao wala silang sapat na batayang magdidiin kina Pagdilao at Tinio sa sindikato ng droga.

Samantala, inaasikaso pa rin ng Naapolcom ang kasong isasampa kay Diaz sa Napolcom en banc.

Ang Department of Justice (DOJ) ang bahala kina Garbo  at Loot dahil sila ay mga retirado na.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like