HINDI DAPAT IMBAKAN NG SUNDALONG AMERIKANO ANG PILIPINAS —CPP

 

us-soldiersNi: Denz Laguipo

 

TAHASANG nanawagan ang Communist Party of the Philippines (CPP) kay Pangulong Rodrigo Duterte na isamang paalisin ang lahat ng sundalong Amerikano sa lahat ng panig ng bansa, sapagkat hindi naman “imbakan ng sundalong Amerikano ang Pilipinas.”

Ayon sa press statement ng CPP, hindi lamang sa Mindanao nagkalat ang mga sundalong Amerikano, kundi sa maraming panig ng bansa.

Ang panawagan ng organisasyon ng mga komunistang naniniwala sa kaisipang Mao Zedong kay Duterte ay may kinalaman sa birada ng Pangulo nitong Lunes na nararapat lamang  aniyang umalis ang mga sundalong Amerikanno sa Minanao, sapagkat sila ang puno’t dulo ng kaguluhan sa buong Mindanao.

Idiniin pa ni Duterte na kung tutuusin, marami nang nagawang krimen ang Amerika sa Pilipinas simula noong sakupin at gawing kolonya ng Amerika ang Pilipinas noong 1898.

Ipinakita ni Duterte ang larawan ng pangmamasaker ng mga sundalong Amerikano ang mahigit 1,000 Moro, kabilang na ang mga kababaihan at kabataan noong Marso 1906 sa Sulu.

Hindi kailan man humingi ng paumanhin ang Estados Unidos sa Pilipinas, saad ni Duterte.

Inilalabas at iginigiit ni Duterte ang mga karumal-dumal na krimen ng Estados Unidos, sapagkat gusto niyang makalaya na ang foreign policy ng Pilipinas sa dikta umano ng nasabing pinaka-makapangyarihang bansa sa buong daigdig.

Hinimok ng CPP si Duterte na mas mainam kung lahat ng tropa ng mga sundalong Amerikano ay dapat nang palayasin ng Pangulo sa Pilipinas, sapagkat hindi magkakaroon ng “mutual relationship” ang Amerika at Pilipinas kung ang trato ng una  ay “imbakan” nito ng mga sundalo ang huli.

Sabi ng CPP, magkakaroon lamang ng “mutual relation” ang Pilipinas at Amerika at ng iba ang bansa kung ang Pilipinas ay titindig bilang “independent and non-aligned country.”

Dahil sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) noong 2014, ang Estados Unidos ay nakapagtayo ng mga base ng sundalo nito sa kampo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Fort Magsaysay (Nueva Ecija), Basa Air Base (Pampanga), Antonio Bautista Air Base (Palawan), Benito Ebuen Air Base (Mactan in Cebu), at Lumbia Airport sa Cagayan de Oro sa Northern Mindanao, ayon sa grupo.

Bukod diyan, nagtalaga rin ang administrasyong Obama ng mga taga-payong militar sa AFP at maging mga ahente mula Federal Bureau of Investigation (FBI) at New York Police district (NYPD).

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like