Higit 6,000 Magsasaka, Magkakalupa Matapos ang 18-Taong Paghihintay

 

MASAYANG MGA MAGSASAKA: Sa wakas mapapasakamay at magiging pagmamay-ari na rin ng 6.690 magsasaka ang kanilang mga lupang deka-dekada nang sinasaka at inaward na ng pamahalaan noong 1998, sapagkat mangako si Agrarian Reform Sec. Rafael Mariano nang mag-inisyatiba si Monsignor Melon Oslo  na pakinggan ang matagal nang hinaing ng mga magsasaka sa Jaro sa lalawigan ng Iloilo. (litrato ng Department of Agrarian Reform)
MASAYANG MGA MAGSASAKA NG JARO: Sa wakas mapapasakamay at magiging pagmamay-ari na rin ng 6.690 magsasaka ang kanilang lupang deka-dekada nang sinasaka na inaward na ng pamahalaan noong 1998, sapagkat nangako si Agrarian Reform Sec. Rafael Mariano nang mag-inisyatiba si Monsignor Melon Oslo na pakinggan ang matagal nang hinaing ng mga magsasaka sa Jaro sa lalawigan ng Iloilo. (litrato ng Department of Agrarian Reform)

Ni: Boy Celario

 

LABINGWALONG taong mula nang matanggap ng 6,690 agrarian reform beneficiaries (ARBs) ang kani-kanilang papel na nagsasabing binibigyan na sila ng Department of Agrarian Reform (DAR) ng sariling lupang sasakahin, ngunit ang mga lupa ay pag-aari pa rin ng mga panginoong maylupa hanggang ngayon.

Ang lupang 10,751 ektaryang  matatagpuan sa Jaro sa lalawigan ng Iloilo ay hindi pa rin naibabahagi at naipasasakamay sa 6,690 magsasaka kahit nabigyan na sila ng certificates of landownership awards (CLOAs)  noong 1998.

Hindi naipatupad ng mga nakalipas na administrasyon (mula kay Estrada, Arroyo, at Aquino), ang siyang nadiskubre mismo ni DAR Sec. Rafael Mariano.

Kahit noong panahon ni Estrada na si Horacio “Boy” Morales pa ang kalihim ng DAR ay hindi nagawang igiit nito na maging tunay na pag-aari ng mga magsasaka ang nasabing higit 10,751 ektaryang lupa.

Si Morales ay sinasabing makabayan at makapagsasaka, sapagkat siya ay naging bahagi ng Communist Party of the Philippines (CPP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Nadiskubre ni Mariano ang labingwalong taong pang-aagrabyado sa 6,690 magsasaka nang dumalo ito sa pagtatagpo ng mga magsasaka at mga opisyal ng DAR na inorganisa ni Monsignor Meliton Oso ng Jaro Archdiocesan Social Action Center (JASAC) kamakailan.

Hindi nasayang ang inisyatiba ni Monsignor Oso, sapagkat nangako si Mariano na sa loob ng 15 araw ay tiyak na pag-aari na ng 6,690 magsasaka ang 10,751 ekstaryang lupaing matagal na rin nilang sinasaka.

Tapat

Tapat

Studied Master of Public Administration. at UP Diliman Past: Philippine Christian University and Project 6 High School

You May Also Like