Higit 300 drug users sumuko sa QCPD

Higit 300 katao na pawang aminadong drug users ang boluntaryong sumuko sa pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Miyerkules.

Ayon kay Senior Supt. Joselito Esquivel Jr., QCPD deputy chief for operations, ang pagsuko ng mga drug user ay bahagi ng “Oplan Katok Pakiusap” ng QCPD upang wakasan ang paglaganap ng droga, partikular ang shabu, sa lungsod.

Batay sa rekord ng Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA), ang Quezon City ay sa mga lugar saa Metro Manila kung saan napakatalamak ng bentahan at paggamit ng droga.

Ang shabu ay umaabot hanggang sa mga KTV Bar, beer house, at iba pa, ngunit walang nadadakip.

Ngunit, kahit isang drug lord ay walang nadadakip ang mga pulis na kasalukuyang pinamumunuan ni Director Edgardo Tinio.

Sabi ni Esquivel, sumuko ang higit 300 drug users sa pamamagitan na rin ng tulong ng mgaa opisyaal ng barangay ng 12 barangay ng lungsod.

Idiniin ng opisyal na ang mgaa sumuko ay isasailalim sa masusing imbestigasyon upang makakuha sa kanila ng mga impormasyong magtuturo sa mga drug pusher at kinaroroonan ng mga ito.

Naniniwala si Esquivel na mareresolbahan nila ang talamak na droga sa lungsod habang si Tinio pa rin ang kanilang pinuno. (Tapat)

You May Also Like