Higit 1,600 tiklo sa gun ban

PUMALO pa sa 1,632 katao ang arestodo sa buong kapuluan dahil sa paglabag sa election gun ban simula lamang nitong Enero 12.

Sa tala ng Philippine National Police (PNP) Camp Crame, 12 na ang nahuling AFP Personnel, 20 na PNP Personnel, tig-iisa mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Fire Protection (BFP), 20 government officials, 2 Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU),94 na mga security guard at 1,484 na mga sibilyan.

Nasa 1,657 naman ang nakumpiskang mga baril, 69 na airgun/airsoft, 462 na mga bladed weapons, 74 na granada o pampasabog, 296 na mga improvised explosive devices, at 14,831 na bala ng baril.

Tanggap na din ng PNP na sa kabila ng patuloy na kampanya at paulit-ulit na information campaign sa tuwing sumasapit ang election period ukol sa gun ban ay dadami parin ang mga mahuhuling lumalabag dito hanggang sa pagtatapos sa buwan ng Hunyo ngayong taon.

You May Also Like