Higit 1,000 drug pusher, user sumuko sa QCPD

Sa takot mamatay, naobligang sumuko ang higit 1,000 pinaniniwalang mga drug pusher at user ngayong Biyernes ng hapon sa Quezon City Police District (QCPD).

Sila ay sumuko sa pamunuan ng 12 QCPD stations mula sa iba’t ibbang barangay ng Quezon City.

Ang kanilang pagsuko ay may kaugnayan sa kampanyang “Oplan Katok Pakiusap” ng QCPD.

Matatandaan na nitong Huwebes ng hapon ay 200 pinaniniwalang drug pusher at user ang sumuko rin sa 12 estasyon ng pulisya sa Quezon City.

Ayon sa QCPD, ang mga sumuko ay dinala sa Camp Karingal, himpilan ng QCPD, upang itala ang kanilang mga pangalan at ipalwanag sa kanila ang mga dahilan kung bakit sila isasailalim sa counselling.

Ayon sa pamunuan ng QCPD, higit na mainam na sila ay sumuko at isailalim sa counselling upang matigil na ang talamak at laganap na bentahan at paggamit ng ipinagbabawal na gamot tulad ng shabu, marijuana, at ecstacy.

Bukod sa  pagsuko, mayroon ding mga nababalitang may mga namamatay na drug pusher sa iba’t ibbang bahagi ng lungsod.

Ang mga namamatay sa Quezon City ay bahagi lamang ng mga namaatay na mga drug pusher sa iba’t ibang panig ng bansa simula nang manalong Pangulo nitong nakalipas na eleksyon si Mayor Rodrigo Duterte.

Diretsahang sinsabi ni Duterte na dapat nang mamatay ang mgaa drug pusger upang masawata na ang laganap at talamak na bentahan at pagamit ng mga ipinagbabawal na gamot sa bansa.

Kaya, pinaniniwalaang ang serye ng pagpaslang sa mga durg pusher ay mula sa pahayag ni Duterte.

You May Also Like