Higanteng estatwa ng sanggol pinamalas

PINAMALAS ng Qatar Museums Authority sa publiko ang iba’t ibang uri ng mala higanteng pagkatalos ng sanggol sa sinapupunan.

photo by Penny Yi Wang
photo by Penny Yi Wang

Gawa ng premyadong iskultor na si Damien Hirst, pinapakita ng estatwa pinamagatang “The Miraculous Journey,” ang 14 na hakbang ng buhay mula sa simula hanggang sa pagluwal ng sanggol. Humigit kumulang na 14 na metrong taas at nagkakahalaga ng halos 20 milyong dolyar, ipinapakita nito ang milagro ng buhay.

Sa pamumuno ni Sheikha Al Mayassa bint Hamad bin Khalifa Al-Thani, chairwoman ng QMA, inabot diumano ng walong taon ang paggawa sa mga naturang estatwa na sinasabing hindi taliwas sa kulturang Islam, bagkus ay pagpapahayag ng Al Qu’ran, ang banal na kasulatan ng Islam, hinggil sa milagro ng buhay. Ito ang kauna-unahang estatwa ng hubad na anyo ng tao sa Gitnang Silangan. Dagdag naman ni Sheikha Mayassa, ito ay natatanging handog para sa mga taga-Qatar. [PDG]

You May Also Like